Grupo tutol sa pag-angkat ng mga isda ngayong closed season | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Grupo tutol sa pag-angkat ng mga isda ngayong closed season

Grupo tutol sa pag-angkat ng mga isda ngayong closed season

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 15, 2022 07:43 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Tutol ang isang samahan ng mga mangingisda sa pag-angkat ng galunggong at ibang isda ngayong magtatapos ang taon.

Nakatakdang mag-angkat ang Pilipinas ng 25,000 metric tons ng isda dahil sa closed fishing season o panahong pinagbabawal ang mga mangingisda na manghuli para hayaang makapagparami ang mga isda.

Pero ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), pinapatay ng pag-angkat ang kabuhayan ng mga lokal na mangingisda.

"Kapag bumabaha ang importasyon, hindi kayang makasabay ng lokal na isda dahil mas mababa presyo ng imported. Kaya ang nangyayari sa mga mangingisda, napipilitan nilang ibigay sa mas mura [na presyo] kahit palugi," ani Pamalakaya Spokesperson Ronnel Arambulo.

ADVERTISEMENT

Nanawagan din ang grupo na itigil na ang pagdedeklara ng closed fishing season.

Mas dapat anilang pagtuunan ng pansin ang pag-iimbak ng isda sa mga storage facility para may sapat pa ring supply ang Pilipinas sa panahong iyon.

"Ang dami naman nating alternatibong isda na puwede ipalit," ani Arambulo.

Nanindigan naman ang Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nakabase sa datos ang pangangailangan na mag-import ng isda, lalo na ang galunggong.

"Marami ang tumututol pero hindi naman rational. Talagang mawawalan ng isda ngayong last week ng November hanggang first week ng December kasi spawning season ngayon... Ibig bang sabihin titigil tayo ng pagkain dahil sa import?" ani Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban.

Kalahati lang umano ng supply gap o kulang na isda ang aangkatin habang ang kalahati ay kukuhanin sa local producers sa pamamagitan ng aquaculture.

Wala rin anilang dapat ipag-alala ang mga mangingisda dahil hindi naman sasapaw ang pag-angkat bago ulit sila payagan na manghuli.

"Ang ayaw natin mangyari, magkaroon ng kompetisyon betweeen the imported fish products pati sa ating locally produced na isda," ani Nazario Briguera, chief ng information and fisherfolk coordination unit sa BFAR.

Ayon sa BFAR, ang pag-angkat ng mga isda tulad ng galunggong ay paraan din para matiyak na hindi masyadong mataas ang presyo nito.

Kapag hindi nag-angkat, kakaunti ang supply at magmamahal umano ang isda sa palengke.

Tiniyak ng BFAR na walang kakulangan sa ibang klase ng isda gaya ng bangus, tilapia at iba pang pagkaing dagat.

— Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.