Maraming lugar sa Quezon binaha dahil sa shear line | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maraming lugar sa Quezon binaha dahil sa shear line

ABS-CBN News
Published Nov 25, 2023 05:39 PM PHT

Nalubog sa tubig-baha ang maraming lugar sa iba't-ibang bayan sa Quezon dulot pa rin ng walang tigil na pag-ulan mula pa nitong Biyernes ng gabi dahil sa pag-iral ng shear line.

Kabilang sa mga bayan na apektado ng mga pagbaha ang Gumaca, Atimonan, Lopez, Plaridel sa Lamon bay Area; at mga bayan ng Padre Burgos sa Bondoc Peninsula Area at mga bayan ng Mauban at Lucban sa Nothern Quezon at ang Lucena City.

Sa Barangay Tagbakin, Atimonan, kinailangang maglagay na ng mahabang lubid ang mga barangay official upang makatawid sa kalsada na nagmukhang ilog ang mga na-trap na residente.

Pinasok naman ng tubig-baha ang maraming kabahayan sa Plaridel, Quezon.
Pinasok naman ng tubig-baha ang maraming kabahayan sa Plaridel, Quezon.
ADVERTISEMENT
Umapaw naman ang ilang ilog sa bayan ng Gumaca at umabot sa mga highway ang tubig.

Sa Padre Burgos, Quezon, pansamantalang hindi nadaanan ang national highway dahil sa pag-apaw ng tubig sa Barangay Danlagan at uamapaw na rin sa maraming kabahayan.

Hindi rin madaanan ang kalsada sa mga barangay Brgy. Piis at Atolinao sa Lucban, Quezon matapos na umapaw sa ilog ang tubig baha.

Sa Lucena City, sarado na ang spillway sa iyam River sa City proper dahil sa laki ng tubig.

Nagsimulang bumuhos ang ulan sa lalawigan ng Quezon mula pa dakong alas 6-ng gabi nitong Biyernes at halos hindi tumitigil ngayong maghapon ng Sabado.

Wala pa namang naiiulat na mga inilikas na mga residente subalit nagpaalala na ang mga local disaster response office na maging mapagmatyag ang mga naninirahan sa mga delikadong lugar at lumikas kapag may nakikitang panganib sa malakihang pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa rainfall advisory ng PAGASA kaninang alas-9 ng umaga, inaasahan ang malakas hanggang katamtamang pagbuhos ng ulan sa Southern Tagalog kasama ang mga probinsya ng Batangas, Laguna, Quezon, at ang malaking bahagi ng Bicol Region at Marinduque province sa Mimaropa.

-- Ulat ni Ronilo Dagos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT