Bong Go pinag-iisipan ang pag-urong sa kandidatura sa pagka-Pangulo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bong Go pinag-iisipan ang pag-urong sa kandidatura sa pagka-Pangulo

Bong Go pinag-iisipan ang pag-urong sa kandidatura sa pagka-Pangulo

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Inamin ni Senator Christopher "Bong" Go na nahihirapan siya bilang kandidato sa pagka-Pangulo sa Halalalan 2022.

Sa interview sa kanya ng media bago mamigay ng tulong sa mga nasunugan sa isang barangay sa Quezon City, sinabi ng presidential aspirant na hindi siya handa sa kandidatura na ito.

Ito aniya ay desisyon kasi ng partido at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Habang natutulog po ako, habang nanaginip po ako, nahihirapan po ako. nahirapan po ako sa nararamdaman ko, to be honest with you," sabi ni Go.

ADVERTISEMENT

"Ngunit sa totoo lang po, nagre-resist ang aking utak, puso at aking katawan. Nabigla po ako dito sa pagtakbo, napakahirap po ng aking sitwasyon," ani Go.

"So hindi ko napaghandaan ang kandidatura bilang pangulo," dagdag pa niya.

Standard-bearer ang senador ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) sa pamamagitan ng substitution.

Hindi pa rin kasi nareresolba ng Comelec ang gusot sa PDP-Laban, na nahahati sa 2 grupo na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi at ni Senator Manny Pacquiao.

Gayunman, sinabi ni Go na alam niya ang trabaho ng isang pangulo.

"Aalam ko po ang trabaho ng isang Pangulo. I've been there sa tabi ni Pang. Duterte, alam ko po ang problema, alam ko po ang solution. Part po ako ng solution," sabi ni Go.

Nilinaw naman niya na buo ang kanyang loob na magserbisyo sa publiko, pero ibang usapan ang pagiging Pangulo.

Inamin niyang iniisip niya ang posibilidad na umurong sa presidential race.

"Iniisip ko pa ng mabuti, nag-aantay po ako ng sign sa Panginoon. Kung sa tingin niya dito ka na lang Bong, susundin ko po. At siempre ang mga Pilipino," aniya.

Sinabi rin niyang wala pa rin sila muling nagiging pag-uusap ni Davao City Mayor Sara-Duterte Carpio na inaasahan niyang tatanggapin pa rin ang alok bilang kanyang vice presidential running mate.

Aniya, kapag nag-ikot siya sa kampanya, si Mayor Duterte-Carpio pa rin ang kanyang ieendorso bilang Vice President.

"Siempre po, anak po siya ng aking boss. Marami po kaming common supporters, so at ayaw ko pumilii ng ibang kandidato sa pagkavice president, ano to circus? Pangit naman tignan na iba ang vice president ko, ayaw ko po maging circus. Ayaw kong maraming masaktan," sabi ni Go.

Pagdating naman sa usapin ng drug test, handa umano siyang sumalang anong petsa at oras para patunayang malinis siya sa droga.

Matatandaan kasing nagpatutsada si Pang. Duterte kamakailan lamang patungkol sa isa umanong presidential candidate na gumagamit ng cocaine.

"Maraming iba ibang klase ng drug test. Ihi, may hair folicle. Kung ano ang pinakakumpleto para mai-erase mo yung doubts para walang pagdududa sa 'tin ano, though hindi siya mandatory by law, pero importante dito maipaktia natin sa publiko na wala silang maiiwang panghihinala," sabi pa niya.

PANOORIN

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.