Tambalan sa 2022? Bong Go may hirit kay Sara Duterte | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tambalan sa 2022? Bong Go may hirit kay Sara Duterte

ABS-CBN News
Published Nov 16, 2021 07:30 PM PHT

MAYNILA — Balak kausapin ni presidential aspirant Sen. Bong Go si Davao City Mayor at vice presidential bet Sara Duterte-Carpio para hingin ang suporta nito sa Halalan 2022.

Sa ambush interview kay Go sa paglulunsad ng Malasakit Center sa Malabon nitong Martes, aminado siyang malaki ang tulong ng endorsement ni Duterte-Carpio,

"Sino naman po ang ayaw na humiling na suportahan ka ni Mayor Sara? Kung ako po ang tatanungin, hihilingin ko po na suportahan niya ako bilang pangulo," sabi ni Go.

Matatandaan kasing tumakbo sa ilalim ng Lakas-CMD party si Duterte-Carpio. Ang kampo naman ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., kinukuha rin si Duterte-Carpio bilang ka-tandem.

ADVERTISEMENT
Bagaman hindi pa daw sila nag-uusap ni Duterte-Carpio, nagpahiwatig si Go na posibleng mangyari ang tandem nilang dalawa.

"Hindi po nalalayo iyan... Ngunit mayroon po kaming partido na mayroong proseso na dapat sundin. Hintayin na lang po natin. Ako po ay nananawagan sa mga supporters ko, supporters ni Pangulong Duterte na tayo po ay magkaisa na lang po, magkaisa tayo alang-alang po sa ating mga kababayan," sabi ni Go.

Aminado rin si Go na marami pa siyang kailangan gawin para umangat ang pangalan sa surveys.

Samantala, kasama rin na launching ng Malasakit Center ang TV host na Willie Revillame, na nagsabing sinusubukan niyang pag-ayusin ang pamilya Duterte.

Matatandaang sinabi ni Duterte na hindi sila nag-uusap ng anak na si Sara.

Sabi ni Revillame, nakausap umano niya nang hiwalay si Duterte at si Sara.

"What I am trying to do is may magagawa ba ako para maging masaya ang pamilya. Hindi ako nagmamagaling dito," ani Revillame.

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
politika
Comelec
Bong Go
Sara Duterte
Sara Duterte Carpio
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT