'Kaunti na, mahal pa': Ilang taga-Catanduanes umaaray sa suplay, presyo ng bilihin
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Kaunti na, mahal pa': Ilang taga-Catanduanes umaaray sa suplay, presyo ng bilihin
ABS-CBN News
Published Nov 21, 2020 03:09 PM PHT
|
Updated Nov 22, 2020 07:00 PM PHT

CATANDUANES - Dumaraing ang ilang mamimili sa Catanduanes sa kakulangan umano ng suplay ng pagkain at sa presyo nito ngayon sa merkado, kahit pa man may ipinatutupad na price freeze sa islang napuruhan ng bagyong Rolly.

Ang ilang mamimili gaya nina Arlene Aguilar at Dante Ogalesco, dumayo pa sa Virac mula sa ibang bayan para mamili ng pagkain.

Wala kasing mabilhan at wala rin halos mabili na pagkain sa ibang bayan.

"Kaunti na lang, mahal na mahal ang bilihin... Sa ano lang sa tatlong araw lang kasi wala naman mapagpilian, ubos na tapos wala namang kuryente, 'di kami makapag-stock kaya isa-isang araw lang ang binibili namin," ani Aguilar.

“Kapos ang budget, tatlong bagyo ang dumaan kaya mahirap ang buhay isang araw lang ito… mahal nga ang presyo, sibuyas, kamatis mahal, mahal pati kandila battery mahal," ani Ogalesco.

Ayon sa Department of Agriculture, hindi nila masisisi ang mga vendor dahil sa hirap na pagpasok ng mga kalakal at supply sa isla.

"Na-isolate sila after nung Ulysses di ba. Even tayo nahirapan tayo pumunta dun, all the more 'yung mga dating regularly na nagdadala ng gulay, pati sila nahirapan kaya nagtaas ang presyo," ani Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista.

Batay sa pag-iikot ng ABS-CBN News, lumalabas na ang presyo ng karne ay nasa P220 kada kilo. Nasa P145 naman ang kada kilo ng karne ng manok.

Ang presyo ng sibuyas, nasa P200 kada kilo at ang bawang, nasa P77 kada kilo. Aabot naman sa P9 ang kada piraso ng itlog at nasa P50 ang kada supot ng uling.

Ang 1.5 litrong cooking oil ay nasa P150.

Ang probinsiya ng Catanduanes ang pinaka-nasalanta ng bagyong Rolly, na siyang itinuturing na pinakamalakas na bagyo ngayong 2020 sa buong mundo.

Plano ng Department of Agriculture na magpadala ng Kadiwa program sa isla sa susunod na linggo o mga booth na nagbebenta ng murang bilihin tulad ng gulay at isda.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Catanduanes
konsumer
konsyumer
prices
Catanduanes price freeze
Department of Agriculture
TV Patrol
Jacque Manabat
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT