Catanduanes pinadapa ulit ng bagyong Ulysses

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2020 07:07 AM | Updated as of Nov 13 2020 08:37 PM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA – Hindi pa man nakakabangon sa magkakasunod na bagyo, sinalanta ulit ng bagyong Ulysses ang probinsiya ng Catanduanes.

Nasa 40,000 kabahayan ang sira habang napuruhan ang mga coastal areas ng Bagamanoc, San Andres, Panganiban at Pandan. Sa kasalukuyan, nasa 8,000 residente ang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Una nang sinalanta ng bagyong Quinta at Rolly ang probinsiya kung saan nasa 27,000 ektarya ng abaca plantation ang nasira. Tinatayang nasa P1.6 bilyon ang danyos nito.

Nasa P2 milyon din ang danyos sa mga nasirang ospital, paaralan at ibang gusali ng probinsiya.

Wala naming naiulat na nasugatan, nasawi o nawawala dahil sa bagyong Ulysses. – Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.