DILG, 'Ang Probinsyano' nagharap, 'nagkaintindihan' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DILG, 'Ang Probinsyano' nagharap, 'nagkaintindihan'

ABS-CBN News
Published Nov 21, 2018 11:12 PM PHT
|
Updated Nov 22, 2018 09:55 AM PHT

Nagpulong ngayong Miyerkoles ang mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government at team sa likod ng seryeng "Ang Probinsyano" para pag-usapan ang isyu ng umano ay hindi patas na pagsasalarawan sa ilang pulis sa programa.

Sa imbitasyon ng DILG at Philippine National Police (PNP), nagpunta sa Camp Crame sa Quezon City -- ang punong tanggapan ng national police force -- ang bida ng top-rating serye na si Coco Martin, Chief Operating Officer for broadcast Cory Vidanes, at iba pang executives ng ABS-CBN.

Sa higit isang oras na pulong kasama si DILG Secretary Eduardo Año, tinalakay ang naging puna ng PNP tungkol sa umano ay hindi magandang pagsasalarawan sa mga pulis.

Ayon kay Martin, naging maganda ang kinalabasan ng pulong.
Ayon kay Martin, naging maganda ang kinalabasan ng pulong.
ADVERTISEMENT
Ayon naman kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, naliwanagan ang lahat dahil sa isinagawang pulong at wala na rin silang balak na idemanda ang ABS-CBN gaya ng inihayag noong nakaraang linggo.

Hindi rin umano pakikialaman ng DILG ang takbo ng kuwento ng programa.

"Walang sinabi ang ABS-CBN na, 'Sige, babaguhin namin ang kuwento.' Ipinaliwanag lang ng side ng DILG at PNP 'yong concern namin, at pinaliwanag din naman nila na wala silang intensiyong dungisan ang imahe ng kapulisan," sabi ni Malaya.

Sa panayam naman ng DZMM gabi ng Miyerkoles, sinabi ni PNP spokesperson Chief Superintendent Benigno Durana Jr., na may mga napagkasunduan na ang mga panig sa pulong, na paplantsahin na lang sa susunod na linggo.

"There was an agreement to move forward positively towards a direction where we can compromise, both beneficial to the Philippine National Police and 'Ang Probinsyano'," sabi ni Durana.

"Hopefully, magkaroon ng finality," dagdag ni Durana.

Nakatakdang sunod na makipagpulong sa Lunes ang team ng "Ang Probinsyano" kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, na unang pumuna sa pagsasalarawan sa ilang pulis sa naturang programa.

-- Ulat nina Zhander Cayabyab at Raffy Santos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Ang Probinsyano
DILG
Department of the Interior and Local Government
Coco Martin
Cory Vidanes
ABS-CBN
Philippine National Police
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT