Hepe ng PNP, nilinaw ang reklamo sa 'Ang Probinsyano' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hepe ng PNP, nilinaw ang reklamo sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News
Published Nov 15, 2018 05:34 PM PHT
|
Updated Nov 15, 2018 08:27 PM PHT

Nilinaw ngayong Huwebes ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na hindi nila hinihiling ang pagkansela sa hit teleserye na "Ang Probinsyano" matapos kuwestiyonin ang pagganap sa mga matataas na opisyal ng kapulisan sa programa.

Sa ambush interview kay Albayalde, sinabi niyang humihiling lang sila ng diyalogo o pag-uusap kasama ang mga tao sa likod ng programa para ibahagi ang ilan sa kanilang mga obserbasyon.

"We want one thing clear here, hindi po kami nag-request na ipatigil 'yan, lalo na 'yong mga fans. I'm a fan myself... what we want is audience lang so we can give our views also," ani Albayalde.

Noong Miyerkoles, sinabi ni Albayalde na hindi patas sa PNP ang ipinapakitang papel ng high-ranking police officers sa "Ang Probinsyano," na marahas at kurakot.

ADVERTISEMENT
Sa statement naman na inilabas noong Miyerkoles ng ABS-CBN, tiniyak ng "FPJ's Ang Probinsyano" na lahat ng karakter, lugar, at insidente sa programa ay kathang-isip lang gaya ng inilalabas sa disclaimer gabi-gabi.

Ipinapakita rin daw ng bida na si Cardo, na ginagampanan ni Coco Martin, ay isang masipag na pulis na pursigidong tumulong sa kapwa at sumagip sa buhay ng mga nangangailangan.

Gaya rin daw noong mga nakaraang taon, ipinapakita sa "Ang Probinsyano" na parating nananaig ang kabutihan laban sa kasamaan.

Ayon kay Albayalde, bagaman nauunawaan niyang kathang-isip lamang ang programa, nakasasama pa rin daw sa imahe ng kapulisan ang negatibong pagganap.

"Remember 'yong media kasi is a strong medium para i-propagate 'yong gusto mo. Araw-araw nakikita ito ng mga tao so ito, will give the viewers a bad impression on the PNP," ani Albayalde.

Ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson, katanggap-tanggap ang pag-aalala ni Albayalde lalo at maaaring makaapekto ang serye sa pananaw ng publiko sa mga pulis.

"I support the move of CPNP Albayalde," ani Lacson, na dati ring pulis.

"Huwag niyo namang masyadong pasamain ang CPNP. Nagpipilit na nga silang magpakabuti," dagdag ng senador.

'TAMAAN AY 'WAG MAGALIT'
Pero para kay Sen. Grace Poe, dapat makita ng publiko ang "bigger picture" ng kuwento ng serye, na sa kabila umano ng mga maling pangyayari, patuloy na lumalaban para sa kabutihan ang mga pulis na gaya ng bidang si Cardo.

"Let us look at the bigger picture of the entire plot. And that is, despite the wrongdoings happening around us, there are cops like Cardo, and his team who will always fight for what is right and just," sabi ni Poe sa isang pahayag.

Si Poe ang anak ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr. (FPJ) na gumawa ng konsepto at nag-produce ng orihinal na pelikula ng "Ang Probinsyano."

"Puwede nating sabihin na 'bato-bato sa langit, tamaan ay 'wag magalit," sabi pa ni Poe.

Nagsisilbing tulay ngayon sa pagresolba ng isyu ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sabi ng chairperson ng board na si Rachel Arenas.

Movie and TVRevieW. Classification Board (MTRCB) Chairman Rachel Arena issues statement on PhilNational Police (PNP) complaints against Fpj’s #angprobinsyano pic.twitter.com/PhYVQ9wJDc
— Mario Dumaual (@mariovdumaual) November 15, 2018

Patuloy ang pakikipagdiyalogo nila sa PNP at ABS-CBN.

Nagsumite na rin daw sa PNP ang ABS-CBN ng memorandum of agreement at hinihintay na lang ang feedback ng kapulisan.
Nagsumite na rin daw sa PNP ang ABS-CBN ng memorandum of agreement at hinihintay na lang ang feedback ng kapulisan.
ADVERTISEMENT
Nag-post din ngayong Huwebes sa Instagram si Coco Martin ng retrato ng poster ng "Ang Probinsyano" kasama ang disclaimer nito.

"Pasensiya na po!" isinulat ng aktor sa caption. --May ulat nina Raffy Santos, Mario Dumaual at Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Philippine National Police
PNP
Ang Probinsyano
Oscar Albayalde
Coco Martin
Grace Poe
Panfilo Lacson
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT