TINGNAN: Bandalismo sa bagong pinturang pader sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Bandalismo sa bagong pinturang pader sa Maynila

TINGNAN: Bandalismo sa bagong pinturang pader sa Maynila

ABS-CBN News

Clipboard

May panibagong bandalismo sa bagong pinturang pader ng Araullo High School sa Maynila.

Sa pagiikot ng DZMM Radyo Patrol Miyerkoles ng umaga, makikita ang anarchy symbol na nakapinta ng pula sa isang bahagi ng pader.

Magugunitang Martes nang pinturahan ng mga mag-aaral mismo ng paaralan ang bandalismo sa pader ng eskuwelahan.

Ito'y pagsunod na rin sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno na panatilihing malinis ang kapaligiran lalo na ang mga pampublikong lugar.

ADVERTISEMENT

Noon nakaraang linggo, kinondena ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang bandalismo sa ilang underpass na nauna na rin nilang nilinis at pininturahan ng mga tauhan ng city hall.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.