Bandalismo sa bagong-linis na underpass sa Maynila, kinondena | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bandalismo sa bagong-linis na underpass sa Maynila, kinondena

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Nov 12, 2019 03:59 PM PHT

MAYNILA - Mariing kinondena ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga bandalismo sa ilang underpass na nauna nang nilinis at pininturahan ng mga tauhan ng City Hall.

Ito'y matapos mag-viral sa social media ang larawan ng bandalismo na sinasabing kagagawan ng mga miyembro ng grupong Anakbayan.

Ayon sa Manila Tourism & Cultural Affairs Bureau (MTCAB), nakalulungkot na sa ganitong paraan ipinaparating ng mga militanteng grupo ang kanilang hinaing.

"Ang lahat ng ito ay pinaghirapan na isaayos at pagandahin sa pagtutulungan ng bawat indibidwal na maibalik ang ganda at sigla ng Maynila," ayon sa MTCAB.

ADVERTISEMENT
"Hindi bandalismo ang sagot sa pagbabago. Disiplina at pagunawa ang ating kailangan tungo sa mas maunlad na Maynila."

Manila’s Engineering and Public Works dept paints over vandalized walls in the capital city. Walls around Manila were defaced amid Mayor Isko Moreno’s push to rehabilitate the capital city. (📹 from Manila PIO) pic.twitter.com/MlnUaeAz7A
— Kat Domingo (@_katrinadomingo) November 12, 2019

Agad naman itong nilinis at pininturahan muli ng Manila Department of Engineering and Public Works.

Kinumpirma naman ni Al Omaga, media liaison officer ng Anakbayan, na ang kanilang art group na Panday Sining ang may gawa ng mga pagpintura sa ilang lugar sa Maynila.

Pero ayon kay Omaga, ang bandalismo ay protesta na idinaan sa pamamagitan ng sining.

Ayon kay Omaga, maglalabas ng pormal na pahayag ang Anakbayan ukol sa bandalismo.