Sawa, natagpuan sa imburnal sa Quezon City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sawa, natagpuan sa imburnal sa Quezon City

ABS-CBN News
Published Nov 19, 2017 02:36 PM PHT

Nabulabog ang mga residente ng West Baler sa Barangay Bungad, Quezon City matapos matagpuan ang isang anim na talampakang sawa.

Ayon kay Dario Erato, barangay peace and security officer, nakita ng mga residente ang sawa sa isang imburnal na katabi ng Baler Police Station.

Agad itong pinagtulungan ng mga residente na hulihin at ilagay sa sako.

Ayon kay Erato, ilang araw nang hindi pinapatulog ng sawa ang mga residente dahil sa takot na pumasok sa mga bahay.
Ayon kay Erato, ilang araw nang hindi pinapatulog ng sawa ang mga residente dahil sa takot na pumasok sa mga bahay.
ADVERTISEMENT
Ito na ang ikalawang pagkakataong may nahuling sawa sa Barangay Bungad. Una'y noong 2016.

Noong Setyembre, isang 15 talampakang sawa naman ang nahuli sa loob ng isang condominium sa Barangay Talipapa, Quezon City.

Nakatakdang ibigay ang sawa sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.

-- Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT