10-M record kailangang ipasok sa VaxCertPH; DOLE naghahanap ng encoders | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

10-M record kailangang ipasok sa VaxCertPH; DOLE naghahanap ng encoders

10-M record kailangang ipasok sa VaxCertPH; DOLE naghahanap ng encoders

ABS-CBN News

Clipboard

Vaxcert.ph portal. ABS-CBN News/File
Vaxcert.ph portal. ABS-CBN News/File

MAYNILA - Naulila na ng magulang ang 19 anyos na si Ivy Espadero.

Dahil dito, plano niyang mag-ipon muna ng pangmatrikula sa kolehiyo pero nahihirapan siyang makahanap ng trabaho.

"Ngayon po kasi sobrang hirap po kasi pandemic po, then 'yung mga napag-apply-an ko po kailangan ng work experience po," ani Espadero.

May oportunidad naman para sa mga high school graduate gaya ni Espadero.

ADVERTISEMENT

Nangangailangan ng data encoder ang mga lokal na pamahalaan para tugunan ang malaking backlog sa pag-upload ng mga vaccination record.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), nasa 10 milyong record ang hindi pa naipasok sa VaxCertPH - portal para sa unified vaccination certificate na kailangan sa pagbiyahe sa loob at labas ng bansa.

"We are vaccinating 1 million a day na ngayon 'no, mas dumami tuloy 'yung problema ng LGUs. Kasi the more vaccination you do, the more vaccinators you need, the more encoders you need as well," ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Sa Metro Manila, 100 ang kailangan na data encoders.

Pero sa pulong ng mga ahensiya, posibleng hanggang 50,000 ang kakailanganin sa buong bansa.

Ang plano, idadaan ang hiring sa government internship program ng Department of Labor and Employment (DOLE), na programa para sa mga nasa edad 18 hanggang 30 anyos na graduate ng high school technical-vocational courses o kolehiyo at naghahanap ng job experience.

Minimum wage ang sahod ng interns na umaabot sa 40,000 sa buong bansa at nakatalaga sa iba't ibang government office.

"Sa NCR sigurado na po na sila ay magha-hire ng government interns additional on top of the current that they have. Malamang po ito ay minimum of 1 month ang magiging assignment po nila," ani DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay.

Tutulong ang kasalukuyang mga intern ng DOLE sa national vaccination days na itinakda mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Tingin ng DOLE na maaari ring ipasok sa emergency employment program na TUPAD ang iba pang interesadong maging data encoder na lagpas 30 anyos.

"Unang una dapat marunong kang gumamit ng computer. Pangalawa siguro mabilis ka mag-type kasi ano 'to eh information ng ating mga vaccinees. Pangatlo po, kailangan marunong kayong magbasa, mag-proofread nu'ng information," ani Tutay.

Minsan na ring idinaan sa TUPAD Program ang hiring ng contact tracers.

Magpupulong na ulit ang mga ahensiya sa susunod na linggo para maisapinal ang iba pang detalye sa hiring ng data encoder.

Payo nila, maghintay ng mga anunsiyo mula sa DOLE Regional Office o public employment services office o PESO na nasa mga LGU.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.