Pahirapan umanong pagkuha ng VaxCertPH certification idinaing ng ilang biyahero | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pahirapan umanong pagkuha ng VaxCertPH certification idinaing ng ilang biyahero

Pahirapan umanong pagkuha ng VaxCertPH certification idinaing ng ilang biyahero

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 14, 2021 07:26 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Galit na pumila si Leonido Tanedo na pumila sa assistance booth ng VaxCertPH sa Quezon City Hall.

Ang VaxCertPH ang kinikilalang vaccine certificate para sa mga biyahero, overseas man o domestic.

Mga lokal na pamahalaan ang nag-uupload ng datos sa VaxCertPH portal. Kapag na-encode na ng LGU ang datos ay maaari nang kuhanin ng bakunado ang kaniyang digital vaccine certificate.

Pero di umano makakuha ng vaccination certificate mula sa portal ng VaxCertPH si Tanedo. Problemado siya dahil isa ito sa requirements ng kaniyang uuwiang probinsiya.

ADVERTISEMENT

"Pahirap ito para sa mga uuwi!" ani Tanedo.

Ganito rin ang pinoproblema ni Aldrin Acogido na uuwi ng Negros.

Paliwanag ng opisyal ng QC task force vaccination na si Dr. Malu Eleria, ang iba sa mga di nakakakuha ng vax cert ay nagkakaproblema sa personal na impormasyon sa datos.

Personal information din umano ang problema sa Caloocan. Pero may mga lungsod tulad ng Maynila na wala nang backlog.

" 'Pag nagkakaroon ng problema ng data ng mga vaccinees, right there and then nako-correct na namin," ani Manila Vice-Mayor Honey Lacuna.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, pansamantalang pinapayagan ang vaccination card mula sa lokal na pamahalaan.

"Our advise to the LGU at sa lahat ng mga ahensya tanggapin pa rin nila ang local vaccination card, kasi it would be unfair naman. Nagpabakuna sila ngunit hindi pa na-aa-upload ng kanilang LGU, to address this Sec Eduardo Año ordered na mag isyu ng show cause order sa mga LGU na naging pabaya sa pagbigay ng kanilang datos," ani Department of the Interior and Local Government spokesperson Jonathan Malaya.

Nasa mahigit kumulang 30 porsiyento umano ng mga nababakunahan na ang hindi pa naa-upload ang datos mula sa ilang LGU.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.