ALAMIN: Ligtas-tips sa rumaragasang baha, ayon sa survival expert | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ligtas-tips sa rumaragasang baha, ayon sa survival expert

ALAMIN: Ligtas-tips sa rumaragasang baha, ayon sa survival expert

ABS-CBN News

Clipboard

Rescue operations sa Provident Village sa Marikina matapos bahain dahil sa pag-ulang dala ng bagyong Ulysses noong Nobyembre 12, 2020. Fernando G. Sepe Jr., ABS-CBN News

MAYNILA - Tinamaan ng magkakabilang insidente ng pagbaha ang ilang parte ng Luzon, kung saan may mga naitalang patay at nasugatan.

Sa programang "Sakto" ng TeleRadyo, nagbahagi ng tips ang isang survival expert sakaling tamaan ng rumaragasang baha ang tinitirhang lugar.

Ayon sa survival expert na si Cristy Dante Shepard, importanteng paghandaan ang mga pagbaha bago ito dumating.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Una aniya ay dapat munang alamin kung anong uri ng baha ang tumama sa lugar.

ADVERTISEMENT

"Merong mga flash flood o kaya river flood o daluyong so kailangang aware din tayo kasi ang nangyayari dito history siya paulit-ulit ba nangyayari 'yan. 'Yung iba nalilibang kaya minsan nagugulat sila pero hindi nila alam na naulit na siya," ani Shepard.

Dapat ding alamin kung ano ang wastong paraan ng pagtatali ng bahay, gamit ang lubid kapag naghahanda para sa baha. Kung maaari, ayon kay Shepard, dapat hindi nakakasagabal sa rescue operations ang pagtali sa lubid.

Dapat ding turuan ang anak na lumangoy at gumawa ng drills kasama nila sa bahay, kung maaari.

"Learning ng swimming. 'Yan ang number 1 survival kailangan marunong mag-swim para in case na magkaroon ng insidente eh aware 'yung bata. I-educate natin 'yung bata," ani Shepard.

Sa oras naman ng krisis, kailangan aniya unahin ang pagligtas sa bata kapag dumating sa panahon na kailangang mamili kung sino muna ang sasalbahin.

Kung may kasamang matanda, mainam na munang bigyan ito ng mga instruction.

"Hindi siya (bata) aware, hindi niya alam kung ano ang nangyayari kasi hindi katulad [ng matanda] alam niya ang nangyayari sa paligid. Alam niya kung ano ang gagawin. Pwede mo siyang bigyan ng instruction kung ano ang puwedeng gawin," ani Shepard.

Dapat din aniyang sumunod sa mga utos na lumikas.

"Sunod na kaagad para walang malagas sa pamilya," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.