TIPS: Pag-iingat sa ulan, baha, sakuna sa panahon ng COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TIPS: Pag-iingat sa ulan, baha, sakuna sa panahon ng COVID-19

ABS-CBN News
Published Oct 13, 2020 07:33 PM PHT

MAYNILA - Nagsimula na ang La Niña na inaasahang tatagal hanggang Marso 2021 at maaaring magdulot ng mga pagbaha. Samantala, nananatili sa bahay ang marami dahil sa coronavirus pandemic. May payo ang isang survival expert kung paano makaiwas sa sakit o aksidente.

Ayon kay Doc Ted Esguerra, dapat maghanda ng tinatawag na "go bag" na may pagkain, tubig, gamit at mahahalagang dokumentong nakasilid sa plastic.

Huwag rin aniyang basta-bastang lumusong sa baha lalo na kapag mayroong sugat sa binti o paa dahil baka magdulot ito ng leptospirosis.

Kung hindi maiiwasang lumusong, payo ni Esguerra na magsuot ng proteksiyon sa paa, tulad ng bota.
Kung hindi maiiwasang lumusong, payo ni Esguerra na magsuot ng proteksiyon sa paa, tulad ng bota.
ADVERTISEMENT
"Nandiyan po 'yung tag-ulan at iba pa puwede makuha sa sakit. Puwede makuha sa pagbaha… Itong laban natin ay to avoid leptospirosis, COVID, dengue," ani Esguerra.

Dapat din aniyang maghugas ng paa pagkatapos lumusong sa baha, at sumangguni sa health center para mabigyan ng gamot.

Kapag nagmamaneho, payo ni Esguerra na itabi dapat ang sasakyan sa mataas at ligtas na lugar. Kung kinakailangan namang magmaneho, dapat dahan-dahan lang aniya dahil sa hydroplaning o hindi pagkapit ng gulong sa basang kalsada.

"Obligado tayo na mag-ventilate ng car para hindi mag-fog sa loob. In case may heavy rain, obligado magbukas ng headlight. Headlight sinasabi ko at hindi warning flashers, di po 'yun tama, kasi ginagamit lang natin 'yon kapag may emergency,” ani Esguerra.

Antabayanan din aniya dapat ang balita at lumikas kung kinakailangan.

Maaalalang binaha ang ilang parte ng Metro Manila nitong Lunes, Oktubre 12, dahil sa walang humpay na pag-ulan, dahilan para maapektuhan ang ilang sasakyan at ilang bahay.

— Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
Red Alert
Survival Tips
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT