Libreng dialysis para sa mahihirap bubuksan sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Libreng dialysis para sa mahihirap bubuksan sa QC

Libreng dialysis para sa mahihirap bubuksan sa QC

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

Karaniwang umaabot sa P2,000 hanggang P3,000 ang nagagastos sa dialysis na kailangang gawin nang 3 beses sa isang linggo.

Ang iba, umaabot sa P24,000 ang binabayaran kada buwan.

Kaya inaasahang malaking tulong ang 2 itatayong bagong dialysis center sa Quezon City.

Nitong Huwebes, pumirma sa memorandum of agreement (MOA) ang ilang barangay sa QC para sa proyekto na pinangunahan ni 4th District Representative Marvin Rillo.

ADVERTISEMENT

Inumpisahan nang ayusin ang dialysis centers pero sa Enero 31, 2023 pa magsisimula ang aktuwal na operasyon.

"Pang 7th 'yung chronic kidney disease sa dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino, they die because they can’t avail of the [dialysis] session," ani Rillo.

Tiniyak ng opisyal na libre ang serbisyo sa itatayong dialysis center.

"I will make sure na lahat ng mag-avail dito ay 'yung poorest of the poor," dagdag niya.

Itatayo ito sa dalawang lugar na nakakasakop at may koordinasyon sa Barangay Doña Imelda, Barangay UP Campus at sa tulong ng kompanyang Passion Healthcare Philippines.

"Kailangan n'yo lang pumunta sa office namin tapos kami ang magbibigay ng certificate at 'yun na magsisilbing pass n'yo," sabi ni Rillo.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.