Dating vice mayor ng Maragondon patay sa pamamaril | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dating vice mayor ng Maragondon patay sa pamamaril

Dating vice mayor ng Maragondon patay sa pamamaril

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 17, 2021 08:08 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Patay Martes ng gabi ang isang dating vice mayor ng bayan ng Maragondon matapos pagbabarilin ng kainuman umano sa lungsod ng General Trias, Cavite.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Nolito Magallanes, 54.

Kakandidato siya ngayong Mayo para sa muling pagkabise-alkalde.

Ayon sa paunang ulat ng awtoridad, nag-ugat ang pamamaril sa sagutan ng kainuman sa bahay ng kaibigan.

ADVERTISEMENT

Sabi ng pulis, umuwi ng bahay si Magallanes pagkatapos pero sinundan siya ng suspek at pinagbabaril bago tumakas.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nangyari at hinahanap ang itinuturong gunman.

Nanungkulan si Magallanes bilang bise-alkalde ng Maragondon mula 2004 hanggang 2007. Nagsilbi rin siyang konsehal at barangay official.

Bago maghain ng kandidatura para sa muling pagkabise-alkalde sa Halalan 2022, nagsilbi siyang executive assistant sa tanggapan ni Cavite governor Jonvic Remulla.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.

Ayon sa kanila, pagkatapos ma-autopsy iuuwi ang kanyang bangkay sa Maragondon para iburol.

Naulila niya ang asawa at 3 anak.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.