PatrolPH

Pulis timbog sa pamamaril ng 3 estudyante; 1 patay

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2021 03:20 AM | Updated as of Nov 13 2021 03:21 AM

Kuha ng PRO XII
Kuha ng PRO XII

Inaresto ng mga awtoridad ang isang pulis, na suspek sa pamamaril ng tatlong estudyante, sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat noong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Patrolman Roland Lopez, 29, na na-assign sa 1st PMFC, South Cotabato Police Provincial Office.

Batay sa report ng South Cotabato Police Provincial Office, nangyari ang krimen sa isang boarding house sa Brgy. Zone 3 sa Koronadal City Huwebes ng madaling araw.

Nasawi ang estudyanteng si Charmaine Rose Canlas dahil sa tinamong tatlong tama ng baril. Isinugod naman sa South Cotabato Provincial Hospital ang dalawa pang sugatan na estudyante.

Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen.

Ayon kay Police Brig. Gen. Alexander Tagum, hepe ng Police Regional Office 12, siniguro na niya sa pamilya ng mga biktima na masasampahan ng kasong administratibo at kriminal ang suspek.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.