Lalaki patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Iloilo City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Iloilo City

Lalaki patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Iloilo City

ABS-CBN News

Clipboard

Tanghaling tapat at tirik ang araw nang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang isang lalaki sa Iloilo City. Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

ILOILO CITY — Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga salaring lulan ng motorsiklo sa harap ng isang shopping mall sa Mabini street sa lungsod na ito Sabado.

Ayon sa isang saksi, tanghaling tapat at maraming tao nang mangyari ang krimen.

Sakay ng motorsiklo ang biktimang si Lhuil Clemente, 40, habang naka-motor din ang dalawang salarin.

Nagulantang ang mga tao sa paligid nang makarinig ng ilang putok ng baril.

ADVERTISEMENT

Isinugod sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.

Batay sa paunang imbestigasyon, tindero ng karneng baboy at manok si Clemente at wala naman daw kilalang kaaway sa kanilang barangay.

Patuloy na inaalam ang motibo sa krimen.

—Ulat ni Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.