Pamamahagi ng bakuna sa mga probinsiya, dapat tutukan: employers' group | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pamamahagi ng bakuna sa mga probinsiya, dapat tutukan: employers' group

Pamamahagi ng bakuna sa mga probinsiya, dapat tutukan: employers' group

ABS-CBN News

Clipboard

Naniniwala ang grupo ng employers na dapat mas tutukan ngayon ng pamahalaan ang distribusyon ng bakuna kontra COVID-19 sa mga probinsiya upang mapalawak ang vaccination rollout.

Binitawan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang pahayag kasabay ng pagtutol nila sa pagiging sapilitan ng pagbabakuna ng mga manggagawa.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis, dapat makarating muna ang mga bakuna sa probinsiya at maplantsa ang mga problema sa rollout.

"Marami nga nagrereklamo... kung minsan wala 'yong facilities for storage," sabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis.

ADVERTISEMENT

"Pati hiringgilya yata kulang eh," dagdag niya.

Naglabas kasi kamakailan ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force, na nagsasaad na simula Disyembre 1, required na ang pagiging bakunado ng "on-site workers" sa mga lugar na may sapat na supply ng bakuna.

Sinabi man ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ilegal ang "no vaccine, no work" policy, naniniwala ang kagawaran na may punto naman ang resolusyon.

Nakasaad din kasi sa resolusyon na hindi tatanggalin sa trabaho ang empleyadong hindi pa bakunado basta regular na magpepresenta ng negatibong COVID-19 test na sila na ang gagastos.

"They can still retain their status of employment kaya lang hindi sila makapasok kung hindi sila magpa-PCR and that is alright, that is within the discretion of management," ani Labor Secretary Silvestre Bello III.

ADVERTISEMENT

Sang-ayon naman si Presidential Adviser Joey Concepcion sa polisiya para matugunan umano ang problema sa vaccine hesitancy at magtuloy-tuloy ang pagbubukas ng ekonomiya.

Sa huling tala, umabot na sa 31.8 milyon ang nakatanggap ng second dose ng COVID-19 vaccines o single-dose vaccines.

Target ng pamahalaang mabakunahan ang 70 porsiyento ng populasyon upang makamit ang herd immunity laban sa sakit.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.