Kotse sa road rage video, nabawi; kulay, plaka ng kotse 'iniba' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kotse sa road rage video, nabawi; kulay, plaka ng kotse 'iniba'

Kotse sa road rage video, nabawi; kulay, plaka ng kotse 'iniba'

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 24, 2020 12:57 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nabawi na ng Philippine National Police Highway Patrol Group (HPG) madaling araw ng Biyernes sa Quezon City ang sasakyang ginamit sa isang road rage incident na nag-viral sa social media.

Iba na umano ang kulay at plaka ng Toyota FJ Cruiser para hindi matunton ng mga awtoridad ang sasakyan, giit ni HPG chief Chief Superintendent Roberto Fajardo.

"Talagang mayroon siyang intensiyong ilito at the same time takasan (ang awtoridad). Pag criminal ka kasi hindi mo naman iiwanan na ganyan na may plaka pa rin," aniya.

Sa viral video kung saan nakikitang sinaktan ni Valerio ang kapwa motorista dahil sa away-trapiko sa Pampanga, kulay itim at puti pa ang SUV.

ADVERTISEMENT

Ngunit itim na ito umano nang masita muli ng mga HPG Task Force Limbas sa Tandang Sora, Quezon City.

Magugunitang inaresto ang suspek sa Tarlac noong Miyerkoles sa kasong serious physical injuries at pansamantalang nakalaya nang makapagpiyansa.

Tikom ang bibig ni Valerio kung saan niya nakuha ang plakang kinabit sa kaniyang sasakyan, na pinaghahanap pa ng pulisya.

Ngunit pinabulaanin ni Valerio ang mga paratang na nagpakilala siya bilang anak ng kongresista.

"There was no intention of introducing myself as a congressman or anak ng congressman. Unang baba ko, wala akong sinabi... Kung may gagamitin po ako, sa pamilya ko po. Bakit ako magna-name drop ng isang tao na hindi ko po kilala?" aniya sa panayam sa DZMM.

ADVERTISEMENT

Ani Fajardo, tuloy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga sibilyang gagamit ng "8" na plaka.

May dalawang sasakyang nahuli sa Pasig may plakang "8" na may wang-wang pa at blinkers, na ipinagbabawal sa mga sasakyan ng mga sibilyan.

Kinlaro ni Fajardo na pinababawi na ng Kongreso ang lahat ng "8" na plakang na-issue sa mga dating kongresista, na itinuturing nang "kolorum" sa ngayon dahil noong 2015 ang huling pag-isyu nito at isang taon lang ang bisa ng mga nasabing plaka.

Dagdag nila, dalawang protocol plate lamang ang puwedeng ibigay kada kongresista at kailangang ipakita ang authorization letter, at ideklara ang sasakyang gagamitan ng plaka para hindi mahuli.

-- Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.