PANOORIN: SUV may plakang '8' nanggitgit ng motorista | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: SUV may plakang '8' nanggitgit ng motorista

PANOORIN: SUV may plakang '8' nanggitgit ng motorista

Patrick Quintos,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 13, 2018 08:14 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Huli sa video ang isang sports utility vehicle na may plakang "8" habang nanggigitgit ng isang motorista sa kabahaan ng Congressional Avenue sa Quezon City.

Ayon kay Kim dela Cruz, drayber ng nagitgit na sasakyan, out of lane o wala sa linya ang FJ Cruiser sa kanyang unahan, na inaakala niyang kakanan.

"Una magkalinya kami. Then all of a sudden, nag-on siya ng hazard. So I assumed na magpa-park siya since nag-turn right din siya," kuwento ni Dela Cruz sa ABS-CBN News

Nang umabante siya sa espasyong nabakante ng SUV, nagulat siya sa naging responde ng drayber nito. Nangyari aniya ang insidente nitong Sabado ng tanghali, at nakunan ito ng kanyang dashcam.

ADVERTISEMENT

"Bigla kong napansin na pinaiiyak niya gulong niya. 'Yun pala nag-aamok na siya sa gilid ko na para bang babanggain ako," ani Dela Cruz.

Dagdag pa niya, sinundan siya ng SUV mula sa Congressional Avenue hanggang SM North. Binabaan na niya aniya ng bintana ang drayber pero hindi na ito nakipag-away.

Ipinaskil agad sa Facebook ni Dela Cruz ang dashcam video na agad namang nag-viral.

Kamakailan lang napanood rin ni Dela Cruz sa social media ang video na nag-viral din kung saan makikita ang aniya'y kaparehong sasakyan sa isang road rage incident sa Pampanga.

"Sobrang pareho po ang vehicle. May plakang 8 and Autobot sticker sa kotse," ani Dela Cruz.

ADVERTISEMENT

Galing sa 16th Congress ang plakang 8 ng sasakyang nasangkot sa magkahiwalay na insidente.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa harap ng mga ispekulasyon, itinanggi ni Pampanga 1st District Rep. Carmelo Jon B Lazatin II na kanya ang sasakyang nakunan sa viral video.

"Dahil newly elected ako, wala pa naman na-isyu na plaka ang 17th congress. So kung makikita niyo po sa video ang plakang ginamit 16th congress, so di pa ako representante noon," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.