Halalan 2022: Pangulong Duterte naghain ng kandidatura sa pagkasenador | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halalan 2022: Pangulong Duterte naghain ng kandidatura sa pagkasenador

ABS-CBN News
Published Nov 15, 2021 06:01 PM PHT
|
Updated Nov 15, 2021 06:48 PM PHT

(UPDATE) Naghain ngayong Lunes ng kandidatura sa pagkasenador si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng substitution, higit isang buwan matapos sabihing magreretiro na siya mula sa politika.

Isinumite ni Duterte sa pamamagitan ng isang kinatawan ang kaniyang certificate of candidacy sa tanggapan ng Commission on Elections bago ang deadline sa substitutions nitong alas-5 ng hapon ng Lunes.

Tatakbo siya sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), ang partido kung saan tatakbo si Sen. Christopher "Bong" Go para sa pagkapangulo.

Dahil dito, hindi na maghaharap si Duterte at kaniyang anak na si Sara Duterte-Carpio para sa pagkabise presidente, taliwas sa naunang ipinahayag ni Communications Secretary Martin Andanar nitong Sabado.

Magugunitang noong Oktubre, sinabi ni Duterte, 76 anyos, na magreretiro na siya mula sa politika.

Ayon kay Go, nagpasya ang pangulo na tumakbong senador para maipagpatuloy ang mga nasimulan.

"Siguro mas mahirapan po siya mag-adjust bilang private citizen dahil hinahanap ng kaniyang katawan ang pagseserbisyo sa kaniyang mga kababayan," ani Go.

Ayon naman kay PDP-Laban Cusi wing Secretary General Melvin Matibag, suportado nila si Duterte, lalo't may alyansa naman ang PDDS at PDP-Laban.

Samantala, naghain din ng kandidatura sa pagkapangulo ang kontrobersiyal na dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na si Antonio Parlade sa ilalim ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino, kapalit ni Antonio Valdez.

Ayon kay Parlade, kinokontrol ni Go ang mga desisyon ni Pangulong Duterte.

"Wala akong rift kay Sen. Bong Go, I just don't like the way he does things, including controlling the decisions of the president," aniya.

Sa isang pahayag, iginiit naman ni Go na mismong si Duterte ang nanindigang walang nagkokontrol dito.

Natural lang daw na bilang matagal na siyang assistant ni Duterte, tumutulong si Go sa pagpapatupad nang tama ng mga desisyon ng pangulo.

Naghain din ng kandidatura sa pagkasenador sina dating Presidential Spokesperson Harry Roque at ang kakaretiro lamang bilang Philippine National Police chief na si Guillermo Eleazar.

Tatakbo si Eleazar sa ilalim ng Partido Reporma ni presidential aspirant Panfilo Lacson.

Ilang party-list din ang nagpalit ng nominee.

Posible pa rin naman ang substitution hanggang tanghali ng Mayo 9, 2022 o araw ng halalan pero para lang sa mga na-disqualify o kandidatong pumanaw.

Dapat din umanong kapareho ang apelyado ng substitute dahil hindi na mababago ang nakaimprenta sa balota.

— Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
halalan
halalan 2022
Rodrigo Duterte
substitution
substitution deadline
Comelec
Bong Go
Sara Duterte-Carpio
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT