ALAMIN: Pananagutan ng drayber ng karo na 'nakaaksidente' sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Pananagutan ng drayber ng karo na 'nakaaksidente' sa QC

ABS-CBN News
Published Nov 14, 2018 01:49 PM PHT

Noong Martes ay nagsalpukan sa Quezon City ang isang karo ng patay at isang dump truck kung saan tumilapon pa mula sa kabaong ang patay at lumabas ang ulo nito sa windshield.

Nag-over speed umano ang drayber ng karo na nagresulta sa pagbangga, ayon sa isang saksi.

Dahil empleyado ang drayber ng funeral parlor, kaninong pananagutan ang nangyaring aksidente?

Ayon kay Atty. Claire Castro, may paglabag ang drayber ng karo sa nabanggang trak, sa kamag-anak ng patay, at maging sa kompanyang tinatrabahuhan niya.

Kung mapapatunayang nag-over speed nga ang drayber, maaari itong kasuhan ng criminal negligence resulting in damage to property, batay sa Revised Penal Code.

Bukod pa rito ay maaaring mapanagot ang drayber dahil tungkulin niyang ihatid ang karo sa tamang destinasyon, na hindi niya nagawa.

"Ang kontrata mo bilang drayber is dalhin 'yung dapat mong dalhin sa tamang lugar na dapat niyang kalagyan. Kumbaga merong breach of contract ng carriage, meron siyang civil liability or damages," ani Castro sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM nitong Martes.

Ayon sa abogado, posibleng may "breach of contract" din ang kompanya sa pamilyang namatayan dahil hindi nagawa nang maayos ng kanilang empleyado ang serbisyo.

Kakailanganin ding sagutin ng kompanya ang pinsalang dinulot ng aksidente kapag hindi ito kayang bayaran ng kanilang empleyado.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Usapang de Campanilla
DZMM
criminal negligence resulting in damage to property
criminal negligence
overspeeding
Tagalog news
accident
collision
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT