Karo, bumangga sa trak; bangkay, tumilapon sa kabaong | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Karo, bumangga sa trak; bangkay, tumilapon sa kabaong

ABS-CBN News
Published Nov 13, 2018 04:06 AM PHT
|
Updated Feb 24, 2020 05:37 PM PHT

MAYNILA - Bumangga ang isang karo ng patay sa isang 12-wheeler na dump truck sa Quezon City Martes ng madaling-araw.

Sugatan ang drayber ng karo na si Philipp Iwata at ang kaniyang kasamahan na si Anthony De Guzman.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa kabaong ang bangkay at lumusot ang ulo nito sa windshield ng karo.

Papunta sa isang burol ang karo nang mangyari ang aksidente sa kanto ng Quezon Ave. at Roosevelt Ave.

ADVERTISEMENT
Nahirapan din ang rescue team na alisin sa pagkakaipit ang bangkay.

Ayon sa isang nakakita sa insidente, mabilis ang takbo ng karo.

"Ang bilis ng takbo talaga halos 'di na nakapreno," aniya.

Itinanggi naman ito ni Iwata na alanganin daw ang U-turn ng trak.

"Mabagal ang takbo namin kasi may speed limit kami," aniya.

Nanindigan naman ang drayber ng trak na si Rodolfo Ignacio na tama lang ang ginawa niyang pag-U-turn sa kabila ng pagsakop niya sa 3 linya.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sino ang may kasalanan sa insidente. - ulat nina Jeck Batallones at Lyza Aquino, ABS-CBN News