Senior, alagang aso patay, 2 apo sugatan sa sunog sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Senior, alagang aso patay, 2 apo sugatan sa sunog sa Maynila

Senior, alagang aso patay, 2 apo sugatan sa sunog sa Maynila

ABS-CBN News

Clipboard

Nasunog ang aabot sa 40 barong-barong sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila nitong Sabado. Patay ang isang senior citizen, at ang alaga niyang aso, habang sugatan naman ang mga apo nito. ABS-CBN News
Nasunog ang aabot sa 40 barong-barong sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila nitong Sabado. Patay ang isang senior citizen, at ang alaga niyang aso, habang sugatan naman ang mga apo nito. ABS-CBN News

MAYNILA – Patay ang isang senior citizen at ang kaniyang alagang aso, habang dalawa ang nasugatan sa sunog sa aabot sa 40 barong-barong sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila nitong Sabado.

"May mga ano po diyan te mga kalan-kalan po. Bigla pong nagsiputukan po bale bigla pong kumalat yung apoy po. Sunud-sunud na po yung bahay kasi dito puro basura po yan te kaya imposibleng hindi siya kumalat," ayon sa isang nakasaksi na si Kenjie Alfonso.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, kasama ng lola ang dalawa niyang anak at apat na apo nang mangyari ang sunog.

Pero nagpaiwan na ang matanda nang lumaki ang apoy para agad na makalabas ang kaniyang mga kasama.

ADVERTISEMENT

"Nagulat ako kaninang madaling araw pumunta yung bayaw ko dun yung nanay ko sunog," anang anak ng biktima na si Vergelio Vitco.

Dinala naman sa ospital ang dalawang bata matapos magtamo ng mga lapnos sa katawan mula sa sunog.

Nasa mahigit 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog, na ang sanhi ay iniimbestigahan pa, ayon sa Bureau of Fire protection.

-- Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.