Sunog sumiklab sa isang gusali sa Brgy South Triangle | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sumiklab sa isang gusali sa Brgy South Triangle

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Oct 18, 2022 08:16 AM PHT

Idineklara nang fire out ang sunog na sumiklab sa President Tower, sa kanto ng Scout Ybardolaza at Timog Avenue sa Quezon City nitong Martes.

Batay sa paunang impormasyon mula sa BFP-QC, sumiklab ang sunog sa isa sa mga opisina, alas kwatro y medya kaninang madaling araw. Umabot sa unang alarma ang sunog bago naapula alas sais kaninang umaga.

Ayon kay Pepito Rusiana, security guard sa building, nasa labas niya nang makitang may makapal na usok na nanggagaling mula sa ikalimang palapag ng gusali. Agad siyang umakyat para silipin ang kwarto.
Room 506 ang sinasabing nasusunog.

Sinubukan pa aniyang buksan ang pinto ng opisina pero patuloy na lumalakas ang apoy kaya umalis na sila ng kapwa niyang gwardiya.

ADVERTISEMENT
Ayon sa BFP, hindi na kumalat sa iba pang opisina ang sunog.