'Malapit na sa bubong ang tubig': 30 katao sa Tumana, Marikina umaapela ang tulong | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Malapit na sa bubong ang tubig': 30 katao sa Tumana, Marikina umaapela ang tulong

ABS-CBN News
Published Nov 12, 2020 12:39 PM PHT
|
Updated Nov 12, 2020 01:13 PM PHT

MAYNILA - Nananawagan ngayon ng tulong ang magkakapitbahay na nakatungtong sa itaas na bahagi ng isang bahay sa Tumana sa Marikina City dahil sa ulan na dala ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Arlene Rodriguez, isang residente, nasa 20 sa mga kasamahan nila ay mga kabataan na nasa 8 anyos pababa. Mayroon ding 6 na senior at isa sa mga bata ay batang may special needs.

Kasama rin sa bilang ang mga magulang ng mga kabataan sa loob.

Nasa ika-2 palapag na sila ng bahay pero ayon kay Rodriguez, naabutan na sila sa ngayon ng tubig.
Nasa ika-2 palapag na sila ng bahay pero ayon kay Rodriguez, naabutan na sila sa ngayon ng tubig.
ADVERTISEMENT
"Malapit na po sa bubong ng second floor [yung baha] eh andito po kami nasa bubong na po kami ng 2nd floor. Siguro po nasa 1-2 dangkal na lang po abot na kami sir kailangan na kailangan na po namin ang tulong," ani Rodriguez sa panayam sa Teleradyo.

Nasa 2 o 3 lang sa mga naroon ang marunong lumangoy, ayon kay Rodriguez kaya umaapela siya ng tulong sa lalong madaling panahon.

Marami na rin kasi aniya ang mga taong gaya niya sa Tumana na sa bubong na humihingi ng saklolo.

"May natatanaw kami pero mostly iilan na lang. Mayroon na po marami na rin po nakatungtong. Marami na po," ani Rodriguez.