'Lubog na mga bahay': Mga residente naiwan sa binahang mga bahay, umaapelang ma-rescue | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Lubog na mga bahay': Mga residente naiwan sa binahang mga bahay, umaapelang ma-rescue

'Lubog na mga bahay': Mga residente naiwan sa binahang mga bahay, umaapelang ma-rescue

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 12, 2020 01:04 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Nangangamba ang mga residente ng Marikina City sa patuloy na pagtaas ng tubig dala ng matinding pagbaha mula sa bagyong Ulysses.

Ayon sa residenteng Camille Pabustan ng Malaya Street sa Barangay Malanday, nasa ikatlong palapag na sila ng bahay.

“Meron kasi akong baby, tatlong hakbang na lang po dito sa 3rd floor namin. Tatlong baitang na lang aabutin na kami,” sabi ni Pabustan sa panayam sa TeleRadyo Huwebes ng umaga.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Marami umano silang nasa ikatlong palapag na ng bahay dahil pinasok na ng tubig baha ang kanilang lugar sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

ADVERTISEMENT

“Hindi namin sukat akalain na aabutin kami kasi mataas na po talaga ito. Lubog na mga bahay, nasa bubong na 'yung iba,” sabi ni Pabustan.

Isa ang pamilya ni Pabustan sa mga nanghihingi ng tulong na masagip mula sa mga binahang bahay sa lungsod.

“Mahirap din po pag mag rescue ‘di maabot ng rescue dahil wala pong dadaanan basta-basta,” sabi niya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ganito rin ang kasalukuyang sitwasyon ng pamilya ni Roella Reyes kung saan sila ay nasa ikatlong palapag na ng bahay at naghihintay rin na marescue.

“Nasa 3rd floor, pero 'yung second floor na tinutungtungan namin na may bubong inabot na din po ng tubig,” sabi niya sa parehong panayam.

Sa kabilang kalsada ay tanaw din nila ang mga kapitbahay na nasa 2nd floor na at humihingi ng tulong.

“Mabilis po, wala po kaming naisalbang gamit,” saad niya.

Aminado naman si Marikina City Vice Marion Andres na hirap sila sa pag-rescue dahil na rin sa dami ng mga residenteng humihingi ng tulong na masagip mula sa kanilang binahang mga bahay.

Dahil dito, nanawagan na rin siya ng tulong mula sa national government at ibang ahensiya tulad ng Philippine Navy o coast guard na maaaring makatuwang nila sa pagsagip sa kanilang mga residente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.