2023 budget ng DOF, NEDA aprubado na ng Senate plenary | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2023 budget ng DOF, NEDA aprubado na ng Senate plenary

2023 budget ng DOF, NEDA aprubado na ng Senate plenary

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

senate

MAYNILA—Aprubado na sa plenaryo ng Senado ang panukalang budget ng Department of Finance at ng National Economic and Development Authority.

Idinipensa ni Sen. Sonny Angara ang hinihinging pondo ng nasabing mga ahensiya bilang sponsor ng panukalang batas para dito.

Si Sen. Cynthia Villar, inusisa ang mga programa ng Philippine Crop Insurance Corporation na nasa ilalim ng DOF.

Sabi ni Angara, kasama sa tinututukan ng PCIC sa nakalipas na mga taon ay ang pagpapalawak ng bilang ng mga magsasasakang sakop ng insurance mula dito.

ADVERTISEMENT

“There is an expansion of coverage ... I was told that from 3.2-million farmers they are seeking to expand their coverage to 3.9-million as well as to increase their reinsurance. So ilan lamang po yun sa mga binabalak nilang reporma,” sabi ni Angara.

Pinagsusumite na lang ni Villar ng kumpletong listahan ng mga programa ang PCIC dahil nais niya na makilala ang bagong liderato nito.

Sa pagtatanong ni Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III, lumalabas na nasa 3 milyong magsasaka lang sa buong bansa ang pasok sa insurance ng PCIC.

“According to PCIC, they have a database but it only covers those that are insured by them. And according to the president of the 10 million or so farmers, it’s around 3 million ang coverage po nila,” ani Angara.

Sabi ni Pimentel, layon nito na matulungan ang PCIC para makatulong din ng maayos sa mga magsasakang nangangailangan ng crop insurance program.

ADVERTISEMENT

Inasahang magkakaroon pa ng pulong ang mga opisyal ng PCIC at ng mga mambabatas para sa 2024 budget cycle nito.

Kasama naman sa panukalang 2023 budget ng DOF ang P4.365 billion para sa digitization at modernization initiatives ng mga ahensiya nasa ilalim nito.

Ayon kay Angara, malaking parte ng pondong ito ay para sa digitization ng BOC at BIR.

“The larger items belong to the Bureau of Customs and the Bureau of Internal Revenue. The digitization of Customs Bureau has a P1.57-billion and the BIR digitization has a P2.22-Billion budget,” ani Angara.

Kasama sa modernization ng BOC ayon kay Angara ang mas magandang transaksyon sa adwana.

ADVERTISEMENT

“Dito sa BOC sa digitalization nila … merong automated export declaration system—this system allows electronic submission of all authorized export documents related to all cargo for loading at all international seaports and airports,” dagdag ni Angara.

Aminado si Pimentel na bagama't automated na ang BOC, may mga reklamo pa rin siyang natatanggap mula sa ilang mga negosyante na mabagal pa rin ang usad ng transaksyon sa ahensiya.

“Although you have an online portal, take advantage of the online presence … but the response antagal daw … so they feel that you look like automated but at the other end would be manual reaction to an online input,” ani Pimentel.

Bandang alas-7 ng gabi pansamantalang sinuspinde ang sesyon ng Senado at inaasahang itutuloy bukas araw ng Huwebes ganap na alas-10 ng umaga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.