Pangangaroling, aprub na sa ilalim ng Alert Level 2; ilang siyudad may panuntunan na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pangangaroling, aprub na sa ilalim ng Alert Level 2; ilang siyudad may panuntunan na

ABS-CBN News
Published Nov 10, 2021 07:08 PM PHT

MAYNILA - Pinapayagan ang pangangaroling sa mga lugar sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2.

Kinumpirma ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Miyerkoles.

Puwedeng gawing indoors ang pangangaroling basta't bakunado ang mga indibidwal.

"Under Alert 2, caroling is allowed provided that MPHS is strictly followed and subject to the operational capacity of the venue of the caroling: 50 percent and vaccinated individuals only if indoor and 70 percent if outdoor," ani Malaya.

ADVERTISEMENT
Ipinagbawal ito noong nakaraang taon dahil sa banta ng COVID-19.

Dapat din daw na may suot na face shield ang mga mangangaroling para sa dagdag-proteksyon.

Ang ilang alkalde, payag dito basta't nasusunod ang ilang panuntunan. Datos ang pinagbasehan ng mga alkalde sa Metro Manila sa desisyong ibalik ang pangangaroling.

Sa Mandaluyong, dapat naka-face mask, face shield, at may distancing.

Hindi rin papayagan ang mga mangangaroling sa mga sasakyan dahil delikado. Ganito rin ang patakaran sa San Juan, kung saan papayagan ang magbahay-bahay basta't naka-face mask at naka-distancing.

Magbababa naman ng guidelines sina Paranaque City Mayor Edwin Olivarez at Quezon City Mayor Joy Belmonte tungkol dito.

Susunod naman ang Pasay City sa ano mang panuntunan ang ilalabas ng pandemic task force. Pero tutol sila sa pangangaroling sa mga motorista.

Sa Marikina, 12 pataas ang maaaring mangaroling at dapat may kasamang mga matatanda.

Dapat ding sumunod sa health protocols gaya ng tamang pagsuot ng face masks, at bawal mangaroling sa mga motorista.

Maghihintay naman ng maliwanag na IATF guidelines ang Navotas City.

-- May mga ulat nina Doris Bigornia, Job Manahan, at Gillan Ropero, ABS-CBN News
Read More:
Alert Level 2
pangangaroling
Christmas
Pasko
COVID-19
coronavirus
Marikina
Quezon City
Metro Manila
Navotas
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT