Bagyong Ulysses maihahalintulad sa Quinta: PAGASA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagyong Ulysses maihahalintulad sa Quinta: PAGASA

ABS-CBN News
Published Nov 10, 2020 07:13 PM PHT

Maihahalintulad ang paparating na bagyong Ulysses sa bagyong Quinta, na nanalasa sa southern Luzon noong nakaraang buwan, sabi ngayong Martes ng state weather bureau na PAGASA.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Ariel Rojas, maaapektuhan ng bagyong Ulysses ang Quezon province at Bicol region, mga lugar na sinalanta noong Nobyembre 1 ng Rolly, ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

May high-pressure area kasi umano na tumutulak sa Ulysses sa direksiyong tinatahak nito ngayon.

Posibleng may dala umanong maraming ulan ang Ulysses at maihahalintulad sa Quinta, na nag-iwan ng bilyong pisong halaga ng pinsala at pumatay sa hindi bababa sa 23 tao.

Posible ring umabot ang hanging dala ng Ulysses mula 140 hanggang 155 kilometro, sapat para itaas ang Signal No. 3 sa ilang lugar.

Malawakang pagbaha ang kailangang bantayan sa Calabarzon, gayundin ang lahar sa Albay.

"Ang ating nakikita sa forecast, may close approach sa northern part ng Catanduanes. Mas maraming nasiraan ng bahay doon... maliban sa malalakas na hangin, mababasa 'yong mga kababayan natin," ani Rojas, na lumaki sa bayan ng Bato, Catanduanes.

[5PM ADVISORY] Tropical storm #UlyssesPH intensifies further as it continues to move northwestward pic.twitter.com/53eOIjf1HW
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) November 10, 2020

Base sa 5 p.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Ulysses sa layong 375 kilometro east northeast ng Virac, Catanduanes na may lakas ng hanging 85 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 105 kph.

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 2 sa Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Sur at ang eastern portion ng Camarines Norte.

Inaasahang lalapit ang Ulysses sa Catanduanes o Camarines Norte sa Miyerkoles at magla-landfall sa Quezon province sa umaga ng Huwebes, sabi sa PAGASA bulletin.

Apektado rin umano ng Ulysses ang pagpasok ng relief goods sa Catanduanes, na isa sa pinakamatinding napinsala ng Rolly.

Inilayo na ng mga residente ng Catanduanes ang kanilang mga bangka mula sa dalampasigan bilang paghahanda na rin sa paparating na bagyo.

Ang mga residente namang nawalan ng tahanan ay nakikituloy muna sa mga kapitbahay na may mga matibay na estruktura ng bahay.

Mahigpit na nagpaalala ang Philippine Coast Guard sa mga mangingisda sa Catanduanes na huwag nang pumalaot dahil sa banta ng Ulysses, na maaari umanong magdulot ng storm surge o daluyong.

Pero may ilan pa ring hindi napigilan na mangisda ngayong Martes dahil wala na umano silang makain.

"Kahit walang pagbenta, kahit pang-ulam na lang," anang mangingisda na si Albert Busar.

-- Ulat nina Jeff Canoy at Jacque Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT