TINGNAN: Bus sa Cagayan, halos di na makaabante sa puwersa ng baha

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2019 10:20 PM | Updated as of Nov 09 2019 10:45 PM

MAYNILA—Nalubog sa baha ang bayan ng Abulug, Cagayan, nitong Biyernes na nagdulot ng hirap para sa mga motorista na gustong pumasok o lumabas ng nasabing lugar.

Sa Facebook video ni Genesis Navarro, kita ang isang bus na pinipilit umandar sa gitna ng maladagat na baha sa highway sa Barangay Calog Sur sa nasabing bayan.

 

Naapektohan nang matindi ang ilang residente ng Abulug nitong Biyernes matapos ang malakas na buhos ng ulan na dala ng isang tail-end of a cold front sa hilagang Luzon.

Higit 30 bahay at estruktura ang tinangay ng umapaw na ilog sa Abulug sa kasagsagan ng pag-ulan sa lugar.

Nasa ilalim na ng state of calamity ang probinsya ng Cagayan dahil sa pagbaha.