POGO hub sinalakay; umano'y prostitution den nadiskubre | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
POGO hub sinalakay; umano'y prostitution den nadiskubre

ABS-CBN News
Published Nov 08, 2023 04:00 PM PHT

Inaresto ang 2 Chinese nationals na umano'y sangkot sa human trafficking matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang POGO hub at madiskubre ang hinihinalang prostitution den sa Barangay Tambo, Parañaque City nitong Martes.

Ayon sa pulisya, ginamit ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang kapangyarihan nito para inspeksyunin ang POGO hub sa Sinocan Building, alas-9 ng gabi.
Dahil hindi pinapasok, winasak ng mga tauhan ng Pagcor, Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at pulisya ang pinto sa ground floor.
May permit ang POGO pero walang maipakitang passport ang mga empleyado nito.
Sa inspeksyon nadiskubre rin ang hinihinalang prostitution den sa 7th floor ng gusali.
Naaresto sa raid ang isang Han at Sun na pawang Chinese nationals.
Ang prostitution den ay nasa parking area ng gusali at ginawan lamang ng 26 maliliit na kwarto na may mga kama at tuwalya. May ilang kwarto din na may sariling CR.
Narescue ang 16 na empleyado na hinihinalang biktima ng human trafficking.
May mga vault din na nadiskubre ang Pagcor sa 9th floor ng gusali.
Sa tulong naman ng Bureau of Immigration, tutukuyin kung legal ang dokumento ng mga empleyado.
Inihahanda na ang mga kaso laban sa dalawang naaresto.
Tuloy-tuloy rin ang imbestigasyon para matukoy ang iba pang sangkot sa krimen.

— Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT