PatrolPH

Barangay chairman sa Caloocan patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2021 06:33 AM | Updated as of Nov 02 2021 07:29 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Patay ang barangay chairman ng Barangay 143 sa Caloocan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem bandang alas-6 Lunes ng gabi.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, napag-alamang nakaupo lang sa kanyang tindahan ang biktima nang bigla umano itong mangilang beses na paputukan ng isa sa mga salarin.

Dead on the spot ang biktima habang sugatan ang asawa nito na kasama niya nang mangyari ang pamamaril.

Ayon sa executive officer ng barangay na si Alexander Dulce, wala sila makitang motibo sa likod ng pagpatay sa kanilang kapitan dahil wala silang kilalang kaaway nito.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.