Arestado nitong Martes sa Florida ang ama ng 2-anyos na batang binaril sa ulo ang kaniyang ina habang nasa Zoom teleconference meeting.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Veondre Avery, 22, at kinasuhan na ng manslaughter at failure to securely store a firearm, ayon sa mga awtoridad.
Tinago umano ni Avery ang baril sa isang backpack na may disenyong "Paw Patrol", isang sikat na pambatang TV series.
Isang bala ang pumatay kay Shamaya Lynn, 21, sa insidenteng naganap sa kanilang bahay noong August 11.
Sa tawag sa emergency services, maririnig ang isa sa mga ka-opisina ni Lynn na nagsabing: "One of the girls passed out, she was bleeding. She has the camera on. Her baby is crying in the back," ayon sa ulat ng pahayagang Orlando Sentinel.
Wala sa kanilang bahay si Avery nang maganap ang pamamaril, ngunit tumawag din siya sa emergency services sa kaniyang pag-uwi at nagmakaawang agad tulungan ang asawa, dagdag ng Sentinel.
Sinusubukang irevive ni Avery si Lynn nang dumating ang mga pulis sa kanilang apartment sa Altamonte Springs, pero kalaunan dineklarang patay na rin ang biktima ng mga parademic.
Hindi bago sa Amerika ang mga kaso ng di sadyang pamamaril ng mga paslit. Nitong Setyembere lang, napatay ng isang 2-anyos na lalaki ang sarili matapos niyang makita at paputakan ang baril na nakatago sa backpack ng kamag-anak.
Ayon sa Everytown For Gun Safety, isang firearms control advocacy group: "Every year, hundreds of children in the United States gain access to unsecured, loaded guns in closets and nightstand drawers, in backpacks and purses, or just left out."
Ayon sa grupo, may naitala nang 879 na nasawi mula 2015 at 114 ngayong taon dahil sa tinatawag na unintentional shootings by minors. — Isinalin mula sa artikulo ng Agence France-Presse
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.