Militar: Operasyon laban sa mga militanteng grupo sa Bacolod, lehitimo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Militar: Operasyon laban sa mga militanteng grupo sa Bacolod, lehitimo

Militar: Operasyon laban sa mga militanteng grupo sa Bacolod, lehitimo

Marty Go,

ABS-CBN News

Clipboard

Marty Go, ABS-CBN News

BACOLOD CITY, Negros Occidental—Nanindigan ang pulisya at militar na lehitimo ang kanilang operasyon sa pagsalakay sa 4 na opisina ng mga militanteng grupo sa Bacolod City.

Ayon kay Capt. Cenon Pancito, tagapagsalita ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, ilan sa mga nahuli ay itinuturing nilang "high-value" dahil may ugnayan umano ang mga ito sa rebeldeng New People's Army (NPA).

"This initial information that we have is that this area is likewise used as a training ground of the Red fighters of the New People’s Army, especially so of individuals who have just been recently recruited into the armed movement," aniya.

Iprinisenta ng mga awtoridad Biyernes ng hapon ang mga baril, bala at pasabog na umano'y nasamsam nila sa mga bahay na ginagawang opisina ng Anakpawis, Kilusang Mayo Uno, Gabriela at National Federation of Sugar Workers.

ADVERTISEMENT

Kasama rin sa narekober ang mga watawat ng mga militanteng grupo at umano'y subversive document. Naaresto ang halos 60 katao, kabilang ang ilang menor de edad.

Ikinasa ang operasyon sa bisa ng 4 na search warrant na inilabas ng isang huwes sa Quezon City.

Pinabulaanan naman ni Pancito ang paratang ng mga militanteng grupo na utos daw ito ng Malacañang para arestuhin ang mga human rights advocate sa bansa.

"With the voluminous war materials that we have, it will be very impossible for the armed forces and the Philippine National Police team to produce all these war materials that we have recovered," aniya.

"This is a product of thorough intelligence operations. As what we have said yesterday, it did not just come from one source."

Nakadetine ngayon sa Negros Occidental Police Provincial Office headquarters ang mga suspek na mahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunition at explosives.

Una nang itinanggi ng mga inaresto na sa kanilang opisina nakuha ang mga baril at planted umano ang mga ito.

Nitong Biyernes ng hapon din, inihain ng pulisya ang 3 search warrant sa ilang barangay sa Escalante City, Negros Occidental kung saan 2 tao ang nahuli at 5 baril ang nakumpiska.

Kinondena naman ng grupong Defend Negros, Stop the Attacks Network ang operasyon.

Nananawagan sila para sa pagpapalaya sa mga inaresto at pag-urong sa mga isasampang kaso.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.