2 patay sa Noveleta, Cavite dahil sa bagyong Paeng | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 patay sa Noveleta, Cavite dahil sa bagyong Paeng

2 patay sa Noveleta, Cavite dahil sa bagyong Paeng

Michael Delizo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 30, 2022 10:11 AM PHT

Clipboard

CAVITE — Dalawa ang naitalang namatay sa gitna ng pananalasa ng bagyong Paeng sa Noveleta, Cavite, ayon sa isang opisyal nitong Linggo.

Sabi ni Mayor Dino Chua, dalawang lalaking senior citizen ang naiulat na namatay.

Ang isa ay residente ng barangay Santa Rosa na inatake sa puso habang nata-trap sa bahay, samantalang ang isa ay mula sa San Juan II pero hindi pa kumpirmado ang sanhi ng pagkamatay.

Ayon kay Chua, nasa higit 560 indibidwal ang nanunuluyan sa apat na evacuation site sa Noveleta.

ADVERTISEMENT

Wala na umanong stranded na residente bandang alas-6 ng umaga.

Walong barangay ang binaha sa bayan, pinakamataas sa Barangay San Juan I at II at San Antonio I at II na umabot sa lampas tao.

Umapaw ang Ylang-Ylang River at nasira ang breakwater sa bayan na dahilan ng matinding pagbaha.

“Nagiba ‘yung river wall eh, nagiba. ‘Yung tubig ho, imbes na dumire-diretso palabas sa dagat, eh dito sa mga barangay na ito naibuhos ‘yung lakas ng ragasa ng tubig,” sabi ni Chua.

“Ang huli pong ganitong nangyari, noong panahon pa ni Ondoy eh. So, for the past 6 years, wala naman po kaming ganitong klaseng katindi na baha,” dagdag niya.

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.