ALAMIN: Mga panuntunan ng Comelec sa local absentee voting | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga panuntunan ng Comelec sa local absentee voting

ALAMIN: Mga panuntunan ng Comelec sa local absentee voting

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA—Naglabas ng panuntunan ang Commission on Elections tungkol sa local absentee voting sa paparating na May 9 elections sa 2022.

Ito ang mas maagang pagboto ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno kabilang ang pulis, sundalo, mga miyembro ng media, bloggers, at freelance journalists na naka-duty sa araw ng halalan at hindi makakaboto sa kani-kanilang presinto.

Sa Marso 7, 2022, ang deadline ng paghahain ng sinumpaang application form.

Sa surveyor magsusumite ng aplikasyon ang government workers, habang sa local Comelec office naman magsusumite ang media.

ADVERTISEMENT

Mula Abril 27 hanggang 29 ang botohan sa local absentee voting at national positions lang ang maaaring iboto.

Ang media, boboto sa kung saan maghahain ng kanilang aplikasyon. Ang mga pinuno naman ng opisina ang magtatalaga ng lugar kung saan maaaring bumoto ang government workers.

Isisilid ang mga napunang balota sa envelope at lalagyan ng paper seal.

Mahigpit na ipapatupad ang health protocols at magtatalaga ng COVID-19 marshalls.

Magkakaroon din ng isolation poling place kung saan pabobotohin ang may mataas na temperatura at magpapakita ng iba pang sintomas ng COVID-19 sa entrance.

Hahatiran ng balota ang government workers na magpopositibo sa COVID-19 at naka-quarantine sa compound kung saan gaganapin ang local absentee voting.

Mayo 9 bibilangin ang mga boto, kasabay ng bilangan ng mga bumoto sa araw ng halalan at isang buwan na overseas voting.

-- Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.