Mga taga-Oriental Mindoro pinaghahandaan na ang bagyong Rolly | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga taga-Oriental Mindoro pinaghahandaan na ang bagyong Rolly

ABS-CBN News
Published Oct 30, 2020 07:18 PM PHT

MAYNILA - Pinaghahandaan na ng Oriental Mindoro ang paparating na bagyong Rolly sa posibleng pagdulot nito ng mga pagbaha at storm surge o daluyong gaya ng nangyari nang masalanta sila ng bagyong Quinta.

Sa bayan ng Naujan, nag-ikot na sa mga barangay ang municipal disaster risk reduction and management office para magbigay-babala sa paparating na bagyo.

Karamihan sa mga bahay sa barangay Melgar B ay pinadapa ng bagyong Quinta kaya ngayong may panibagong bagyo ay lilikas nang maaga ang mga residente.

"Sa ngayon ay takot na takot na may darating na namang malakas [na bagyo]," pahayag ng residenteng si Jessica Jordan, na nawalan ng bahay dahil sa bagyo.

ADVERTISEMENT
Binabantayan din ang mga ilog lalo't bahain ang bayan.

"Nag-text-blast na tayo sa mga kapitan na kailangang maghanda. Maging ang mga resources kailangan i-prepare para kapag nag-deploy andoon na siya," ani Joery Gerleo, head ng Naujan MDRRMO.

Dinoble na ni Nanay Beatrice Cabrera ng Brgy. Lazareto, Calapan City ang tali ng kaniyang bubong para hindi masira ng bagyong Rolly, noong bagyong Quinta kahit itinali niya na amg bubong ay nailipad pa rin ito. pic.twitter.com/0icBqlMWuK
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) October 30, 2020

Dinoble ni Beatrice Cabrera ang tali ng bubong ng kaniyang bahay sa Calapan City.

Naninigurado na siya dahil noong bagyong Quinta ay nailipad pa rin ito kahit itinali na niya.

"Aba eh mawawalan kami ng tirahan, walang masisilungan, wala ng maibibili, saan kami kukuha?" ani Cabrera.

Ang 82 anyos na si Monica Lastimosa, sa dasal na lang kumakapit lalo't nasira ang kaniyang kubo kung saan mag-isa siyang naninirahan.

"Hindi ako mamamatay, bakit ako mamamatay malakas naman loob ko basta nahingi na lang ako sa Panginoong Diyos na ako ay tulungan," ani Lastimosa.

Naghahanda na rin ang mga awtoridad sa posibleng daluyong lalo't ito ang nakapinsala sa maraming bahay. Naka-standby na rin ang mga rescue boat at iba pang kagamitan.

"Ang ating Coast Guard ay activated na rin, lahat ng ating force multipliers, ang mga kasundaluhan, kapulisan ay naka-standby position na," ani Hubbert Christopher Dolor, provincial administrator ng Oriental Mindoro.

Naghahanap na rin ng makakain ang mga residente. Hirap ngayon ang mga naapektuhan ng Quinta dahil sa pagkawala ng kanilang kabuhayan.

"Bakit ganito? Hindi pa kami nakaka-resolba doon sa bagyong dumating, may darating na isa pang calamity na bagyo na naman, sana po ay lumihis at sana po huwag nang tumuloy," ani Norma Ayap, isa sa mga residente.

Aminado ang LGU na "halos naghihikahos" na ang kanilang pondo dahil sa pandemya, at sa pagdaan ng bagyong Quinta.

"'Yung ating pondo ay halos naghihikahos na rin, ang ating QRF fund medyo depleted na rin dahil sa napakarami na nating mga pinagkagastusan, andiyan ang COVID, andiyan tayo sa Quinta," ani Dolor.

Umaasa na lang ang mga residente na hindi sila masapul ng paparating na bagyo dahil sobra na anila ang iniwang perwisyo ng Quinta.

Hindi na muna tatanggap ng mga locally stranded individual at returning overseas Filipino worker ang bayan hanggang Nobyembre 11.

Bukod sa nasira ang ilang isolation facilities, gagamitin din ang mga eskuwelahan bilang evacuation center.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Rolly
TV Patrol
bagyong Quinta
storm surge
Oriental Mindoro
panahon
weather
RollyPH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT