PatrolPH

Bagyong Rolly inaasahang magiging 'mabagsik'

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2020 07:28 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Lalo pang lumakas ang bagyong Rolly nitong Biyernes at namataan na sa 980 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora na ito.

Sabi ng Japan Meteorological Agency, ang bagyong Rolly ay inilagay na sa kategoryang "violent."

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kilometers per hour at pagbugsong 230 kilometers per hour.
    
Bahagya itong bumilis sa 20 kilometers patungong kanluran.
    
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalapit ang bagyo sa Bicol region sa Linggo ng umaga.
    
At sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga, inaasahang tatama ang sentro nito sa Quezon o Aurora province.

Matinding hangin at ulan ang inaasahan sa Bicol Region, Quezon at Aurora sa araw ng Undas.
 
Sa Metro Manila, posible rin ang malalakas na ulan simula Linggo hanggang Lunes, maging sa Marinduque, Mindoro, Calabarzon, Pangasinan, Cordillera at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Samantala, pinag-iingat naman ng PAGASA ang mga nakatira sa mabababang lugar na dinadaluyan ng tubig mula Magat dam.
¤w2 202 ]] c2.5 g 0 [[

Nagsimula na kasing magpakawala ng tubig ang Magat dahil sa dami ng tubig na naipon doon.

Kasunod ito ng mga matinding pag-ulan sa nagdaang mga araw.
    
Ayon sa hydrologist ng PAGASA na si Richard Orendain, mataas na ang water level ng reservoir.

Posibleng maapektuhan ang mga nakatira sa mga bahaing lugar ng Ifugao at Isabela, partikular ang mga bayan ng San Mateo, Cabatuan, Aurora, Luna, Burgos, Reina Mercedes, Naguillan at Gamo.

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.