Rosita naglandfall na; epekto ng bagyo, dama na sa N. Luzon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rosita naglandfall na; epekto ng bagyo, dama na sa N. Luzon

ABS-CBN News
Published Oct 30, 2018 12:22 PM PHT
|
Updated Oct 30, 2018 01:53 PM PHT

Dumaraan na sa kalupaan ng Luzon nitong Lunes ang bagyong Rosita at inaasahang lalabas ito ng Philippine area of responsibility sa Miyerkoles, ayon sa datos ng PAGASA.

Mula alas-10 ng umaga ng Martes, namataan ang mata ng bagyo sa Bambang, Nueva Vizcaya at patungo itong Benguet.

Dama na sa ilang lugar, partikular na Northern Luzon, ang hagupit ng bagyo.

WATCH: #RositaPH continues to pound southern Isabela, stronger winds and rain being experienced | via @rongagalac pic.twitter.com/OIeOHfxODv
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) October 29, 2018

Malaki umano ang pinsala sa Dinapigue, Isabela, kung saan unang naglandfall ang bagyo, ayon sa alkalde ng lungsod na si Reynaldo Derije.

May ilan din umanong nasirang poste at puno sa bayan bunsod ng hanging dala ng bagyo.

[As of 8:00 a.m.] Ang bagyong #RositaPH ay nasa Santiago, Isabela at patungo sa Ifugao province. | via @dost_pagasa pic.twitter.com/tQnhVMoGK6
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) October 30, 2018

Inilikas na rin ang mga residente sa Aurora dulot ng bagyo. Hindi rin madaaanan ang ilang kalye sa Baler dahil sa rockslide sa lugar.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Edgar Posadas, nasa higit 2,100 pamilya o 7,342 katao ang nasa 31 iba't ibang evacuation center.

Bahagyang pinahina ng hanging amihan ang bagyo na may taglay na lakas na 140 kilometro kada oras (kph) mula 170 kph at taglay na hanging 230 kph.

Inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na ulan sa Northern at Central Luzon at pinapayuhan ang mga nakatira sa tabing ilog, mababa, at mabundok na lugar na maging alisto sa posibleng banta ng baha at landslide.

Nagkansela na rin ng mga biyahe ang ilang bus patungo sa Northern Luzon, maging ang ilang flight na luluwas sana para sa Undas.

Stranded din ang ilang babiyahe sana nitong Undas sa mga pantalan.

Pinayuhan din ng PAGASA ang mga uuwi para sa Undas na huwag nang tumungo sa Northern Luzon partikular sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal no. 2 at 3.

Seven areas are still under signal no. 3 as #RositaPH crosses northern Luzon. pic.twitter.com/mREqDJq7xN
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) October 30, 2018

Posible rin anila ang storm surge o daluyong na aabot ng 3 metro sa mga coastal area ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan.

Kinansela rin ng ilang lokal na pamahalaan ang klase sa mga eskwelahan hanggang Miyerkoles.

Bagama't inaasahang lalabas ang bagyo ng kalupaan nitong Martes, pinayuhan ang publiko na huwag magpaka-kampante dahil maaari pa rin itong magdala ng tubig sa coastal areas.