Ilang kalye sa Baler, 'di madaanan dahil sa rockslide sanhi ng bagyong Rosita | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang kalye sa Baler, 'di madaanan dahil sa rockslide sanhi ng bagyong Rosita

ABS-CBN News
Published Oct 30, 2018 11:36 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

BALER, Aurora - Hindi na madaanan ang ilang bahagi ng pangunahing highway dito sa bayan matapos mahulog ang malalaking tipak ng bato sa gitna ng kalsada sa kasagsagan ng paghagupit ng Bagyong Rosita, Martes.

Ang kalyeng apektado ng rockslide ay ang daan mula Baler patungo sa bayan ng Casiguran.

Ayon sa mga lokal na opisyal, nasa 1,680 na pamilya o 5,898 na indibidwal ang inilikas mula sa mga tahanan na maaaring maapektuhan ng malalakas na alon, matinding pagbaha o landslide.

Ang mga nailakas na pamilya ay nagmula sa bayan ng Baler, San Luis, Maria Aurora, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag at Dingalan, sabi ng mga opisyal.

ADVERTISEMENT
Ayon sa 7 a.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa bayan ng Echague, Isabela, at patungo sa direksyon ng probinsya ng Ifugao.

Ang lakas ng Bagyong Rosita ay nasa 140 kph, at may dalang bugso ng hangin na nasa 230 kph gusts, sabi ng PAGASA.

Inaasahan itong lalabas sa Philippine Area of Responsibility sa Biyernes, ika-2 ng Nobyembre.

- ulat mula kay Henry Atuelan, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT