Mga tulay sa Leyte, Antique bumagsak dulot ng malakas na agos ng tubig | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga tulay sa Leyte, Antique bumagsak dulot ng malakas na agos ng tubig

ABS-CBN News
Published Oct 29, 2022 07:22 AM PHT
|
Updated Oct 29, 2022 03:33 PM PHT

Bumagsak ang Marabong Bridge sa Brgy. Tamburaga, bayan ng Burauen sa Leyte hapon ng Biyernes.

Dahil dito, nakaabang na ang mga kawani ng lokal na pamahalaan para abisuhan ang mga motorista na huwag munang dumaan sa tulay.

Sa lakas ng pag-ulan dulot ng bagyong Paeng, halos umapaw na rin ang tubig sa tulay.

Ayon sa mga residente, luma na ang tulay at napansin nilang sa tuwing bumabaha, kinakain ng malakas na agos ng tubig ang gilid na bahagi ng istraktura.

ADVERTISEMENT
Samantala, sa bayan ng Naval, Biliran, isang detour bridge ang nasira.

Nasa 186 pamilya ang nasa evacuation center.

Sa Bugasong at Laua-an, Antique naman, hindi na madaanan ang tulay na kumukonekta sa mga bayang ito Sabado ng umaga matapos maputol dahil sa malakas na agos ng baha.

Ang Paliwan Bridge ay kumukonekta sa Brgy. Cubay North sa Bugasong at Brgy. Lugta sa Laua-an.

Inabisuhan ng awtoridad ang lahat na motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Tuluyan namang nasira ang Monfort bridge sa Dingle, Iloilo, na una nang napinsala ng bagyong Agaton.

Sa retrato na kuha ni Kai Buencamino, makikita na tuluyan nang naputol ang Monfort bridge na kumukonekta sa iba pang barangay.

Ayon kay Buencamino, problema ngayon ng mga residente kung saan sila dadaan dahil ang mga alternatibong ruta ay hindi rin madaanan sa ngayon.

— Ulat nina Sharon Evite, Jenette Ruedas, at Rolan Escaniel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT