'Rosita' papalapit na ng Cagayan-Isabela, posible pang lumakas: PAGASA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Rosita' papalapit na ng Cagayan-Isabela, posible pang lumakas: PAGASA

'Rosita' papalapit na ng Cagayan-Isabela, posible pang lumakas: PAGASA

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 28, 2018 06:33 PM PHT

Clipboard

Posible pang lumakas ang bagyong Rosita habang papalapit ito sa kalupaan, ayon sa isang forecaster ng PAGASA nitong Linggo.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio sa DZMM na posible pang lumakas ang bagyo, na huling namataan 875 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan, dahil makakakuha pa ito ng lakas sa daraanang karagatan.

Kasinglakas umano ng hangin ng bagyong Ompong ang taglay na hangin ni Rosita, ani Aurelio.

May taglay na hanging umaabot sa 200 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong 245 kph ang naturang bagyo.

ADVERTISEMENT

Kahit na sa Northern at Central Luzon direktang tatama ang bagyo, pinayuhan ng PAGASA ang mga residente ng Southern Luzon at Metro Manila na bantayan ang galaw ng bagyo habang palapit ito sa kalupaan.

Maaaring magtaas ng storm warning signal ang PAGASA pagsapit ng Linggo ng gabi sa mga lalawigan, partikular sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon.

Posible ring itaas sa signal number 1 ang Metro Manila gabi ng Lunes.

Kung magpapatuloy ang kilos ng bagyo sa direksiyong pakanluran sa bilis na 20 KPH, inaasahang magla-landfall si Rosita sa Cagayan-Isabela sa Martes.

Bumisita sa ABS-CBN Weather Center para sa updates tungkol sa lagay ng panahon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.