Maagang pag-alala sa Undas, hinimok sa pagdating ng bagyong 'Rosita' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maagang pag-alala sa Undas, hinimok sa pagdating ng bagyong 'Rosita'

ABS-CBN News
Published Oct 27, 2018 03:13 PM PHT
|
Updated Sep 30, 2019 02:27 PM PHT

Pinayuhan ng state weather bureau PAGASA ang mga Pinoy na agahan ang pagpunta sa mga sementeryo at maagang gunitain ang Undas habang hindi pa dama ang epekto ng bagyong Rosita.

Pumasok na nitong umaga ng Sabado ang bagyong Rosita sa Philippine area of responsibility (PAR).

Dahil dito, inaasahan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila, northern, central, at southern Luzon hanggang sa araw ng Undas.

Huling namataan ang mata ng bagyong Rosita sa layong 1,345 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

ADVERTISEMENT
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 245 kph. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kph, at nasa 800 kilometro ang lawak nito.

Lunes ng gabi makararanas ng mahina sa katamtamang ulan sa hilaga at kanlutang bahagi ng central Luzon.

Inaasahan ang malakas na ulan sa umaga ng Martes at dito na tutumbukin ng bagyo ang central at northern Luzon, partikular sa Isabela, Cagayan, Aurora, at Quezon Province.

Nagbabala naman ang PAGASA ng posibleng mga pagbaha at landslide sa northern Luzon.

Bibilis ang kilos ng bagyo gabi ng Martes sa kanlurang bahagi ng central Luzon. Madarama rin ang epekto ng bagyo sa Bataan, Zambales, at Ilocos, at maging sa Metro Manila.

Makadarama rin ng malakas na ulan sa Bataan, Zambales, at Ilocos Region.

Unti-unti namang bubuti ang panahon pagdating ng gabi ng Miyerkoles.

Bumisita rin sa ABS-CBN Weather Center para sa updates tungkol sa lagay ng panahon.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT