ACG spokesperson sibak matapos ang Facebook live ng vlogger sa Makati raid | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ACG spokesperson sibak matapos ang Facebook live ng vlogger sa Makati raid

ACG spokesperson sibak matapos ang Facebook live ng vlogger sa Makati raid

ABS-CBN News

Clipboard

Rendon Labador Facebook page
Rendon Labador Facebook page

MAYNILA - Sinibak sa puwesto ang tagapagsalita ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) kaugnay sa pag-live ng isang vlogger sa isang raid sa Makati noong isang linggo.

Kinumpirma ni PNP-ACG Director PBGen. Sidney Hernia na inilipat muna si PCapt. Michelle Sabino sa kanilang headquartesr para sa administrative duties.

"She will be doing other admin duties at Hqs ACG while we are looking for somebody who can take over her job as spokesperson," ani Hernia sa isang text message.

Sabi pa ni Hernia, na naghahanap muna sila ng ibang papalit kay Sabino bilang spokesperson ng ACG.

Matatandaan na pinayagan ni Sabino na sumama ang vlogger na si Rendon Labador sa operasyon laban sa isang online lending company sa Makati City.

Sa Facebook live ni Labador, tila pinalabas umano nito na guilty na ang mga empleyado ng online lending company sa umano'y pangha-harrass sa mga hindi nakababayad ng utang.

Sinubukan din niya na umikot at nahagip ang mukha ng ilang mga empleyado habang nag-iimbestiga ang mga pulis na ikinagalit umano ng pamilya ng ilan sa mga nasangkot dito.

Kasunod din ng insidenteng ito agad na pinaimsbestigahan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang insidente.

Nagpaalala naman si Acorda na kailangang maging maingat ang mga pulis sa tuwing magkakasa ng operasyon at may sinusunod namang panuntunan para sa mga miyembro ng media na kasama rito.

ADVERTISEMENT

- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.