Mga labi ng alkalde ng bayan sa Misamis Occidental, naiuwi na

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2019 10:58 AM | Updated as of Oct 27 2019 06:19 PM

Naiuwi na ang mga labi ni Mayor David Navarro sa Clarin, Misamis Occidental nitong Linggo. ABS-CBN News

Naiuwi na ang mga labi ni Mayor David Navarro ng Clarin, Misamis Occidental nitong Linggo.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakiusap ang pamilya na bigyan muna sila ng pribadong panahon para makapagluksa bago ang public viewing ng mga labi ni Navarro.

Tinambangan ang alkalde noong Oktubre 25 habang papunta ng korte. Inaresto siya noong Huwebes sa reklamong pambubugbog at acts of lasciviousness.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.