Planong maligo sa 'Dolomite Beach'? Delikado ito, ayon sa dermatologist | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Planong maligo sa 'Dolomite Beach'? Delikado ito, ayon sa dermatologist

ABS-CBN News
Published Oct 23, 2021 03:02 PM PHT
|
Updated Oct 23, 2021 03:12 PM PHT

MAYNILA— Nagbabala ang isang doktor laban sa mga sakit na maaaring makuha sa exposure o pagligo sa Dolomite Beach ng Manila Bay.

Kasabay ito ng pagdagsa kamakailan ng mga tao sa Manila Baywalk Dolomite Beach, na puno ng crushed dolomite para magsilbing kunwaring white sand.

Binuksan ito ng gobyerno kasabay ng pagbaba ng quarantine alert level sa Metro Manila dahil sa pag-unti ng mga kaso ng COVID-19.

Sa TeleRadyo, sinabi ng dermatologist na si Dr. Grace Beltran na bagama't magandang tingnan ang beach ay mapanganib sa kalusugan ang dolomite sand dahil puwede itong magdulot ng sakit sa balat, allergy, at maaari ring sanhi ng sakit sa baga.

ADVERTISEMENT
Paliwanag pa ni Beltran, ang dolomite sand ay gawa sa crystalline silica na maaaring magdulot ng iritasyon sa baga at mauwi sa lung cancer.

''The dolomite sand is crystalline silica kaya puwede kang magkaroon ng irritation doon sa lungs... then eventually can also lead to lung cancer," ani Beltran.

Delikado rin aniya kung sa paliligo sa beach ay aksidenteng makalunok ng tubig na nahaluan ng dolomite sand.

"Aside pa dito kapag ikaw ay naka-ingest accidentally kasi syempre kapag nagsu-swimming ka o naglalangoy-langoy ka na doon, pwede mong ma-ingest yung water doon sa lugar na yun," dagdag niya.

Sa ngayo'y mahigpit na ipinagbabawal ang pagligo sa dolomite beach bagama't marami ang nasita dahil sa pagtampisaw sa tubig.

Read More:
Dolomite
Dolomite beach
environment
tourism
swimming
Alert Level 3
health hazards of Dolomite
Dolomite health effects
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT