PatrolPH

PANOORIN: Mga namamasyal sa Manila dolomite beach, dagsa na

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2021 07:51 AM | Updated as of Oct 21 2021 02:12 PM

Watch more on iWantTFC

Mas marami pang pumapasyal ngayong araw sa Manila Baywalk Dolomite Beach kumpara sa mga naunang araw na binuksan ito lalo pa’t marami ang sabik makalabas ng bahay mula nang ilagay ang Metro Manila sa Alert Level 3.

5:30 am pa lang, binubuksan na sa publiko ang dolomite beach at pwedeng pasyalan hanggang alas sais ng gabi.

Kaya naman dagsa na ang mga pumapasyal lalo’t libre ito at pinahihintulutang pumasok sa beach area ang mga bata.
Ipinagbabawal pa rin naman ang pagkain at pagdadala ng pets.

Kapansin-pansin lang na kahit may mga nagbabantay na taga-DENR at mga pulis, hirap nang ipatupad ang physical distancing.

Nagbabala naman si MMDA Chairman Benhur Abalos na maaaring maging super spreader event ito lalo’t may banta pa rin ng COVID-19.

Magtatalaga rin ang MMDA ng ilang marshals para tulungan ang DENR sa pagpapatupad ng minimum health protocols sa mga pumupunta sa dolomite beach. 

Nakabantay rin ang Philippine Coast Guard lalo’t bawal pa rin ang maligo sa Manila Bay hangga’t hindi pa natatapos ang rehabilitasyon nito.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.